---x
Noah noticed the rays of the sun reflecting the sitting area of the jeepney he has been sleeping in last night. Yes, doon siya natulog dahil sarado na ang bahay nila. Nauwi lang naman siya nang ganoon katagal dahil may biglaang nangyari at hindi niya puwedeng pabayaan na lang.
Sanay na siyang matulog kung saan-saan gawa na rin na natatagalan siya sa groupworks nila sa eskuwela o di kaya'y sa trabaho niya. Bukas ay magpapaalam na siya sa hardware store. May natira pa naman siyang ipon sa mga sideline niya na pag-tutor sa mga kapit-bahay nila. Maraming nagsasabi na bagay sa kanyang magturo dahil nagagawa niyang pasimplehin ang komplikadong leksyon. Kaya lang, nauuwi lang sa wala ang suweldo niya sapagkat sinisingil siya ng madrasta niya.
Nanakit ang leeg ni Noah at minasahe ito. Sa paligid niya ay maririnig ang ingay ng makina ng mga sasakyan. Garahe kasi iyon ng mga jeep at ibang sasakyan.
"Hijo, gising ka na pala. Maglilinis muna ako ng jeep." bungad sa kanya ng matandang lalaki.
"Pasensiya na po, Mang Ploy. Late na akong umuwi kagabi at ayoko namang makaistorbo sa bahay. Natutulog na mga kapatid ko." Naupo siya't hinanap ang bag niya. Nakita naman niya sa paanan niya. Kinapitan ng alikabok ang bag niya.
"Kahit naman na hindi umuwi ng dis-oras ng gabi ay kung saan-saan ka naman natutulog. May pamilya ka namang inuuwian." Hindi alam ng mga tao ang totoo ang buong kuwento ng family history niya at di na niya kailangang magpaliwanag. Hayaan na lang na ganoon.
"Sige po, pasensiya na po talaga." paghingi ng despensa niya't nanaog na ng jeep. Minasahe niya ang braso niya at napatitig na lang sa mga jeep na naghihintay na ngayon ng mga pasahero sa barangay nilang iyon.
Naging mas lukot lalo ang suot niyang uniform at bagama't wala siyang orasan ay may ideya siya na late na siya sa klase. Nilakad na niya ang direksyon papunta sa bahay nila upang gumayak na sa klase.
---x
After work, specifically, the court hearing. Noah decided to eat in a restaurant, for a change.
Coast & Summers. He discovered the restaurant a year ago and he liked the food there so whenever he's hungry. The restaurant was his to-go restaurant.
The chairs and tables there were made of wood, varnished. May mga ornamental plants sa mga sulok at vases na may plastic flowers. Tapos na ang lunch hour kanina pa. Natagalan sa Capitol si Noah dahil matagal bago nagpakita ang nasasakdal na ikinainis niya ng lihim.
Enough with his work, nandoon siya upang mag-relax muna sandali. Mamaya, sasalubong na naman sa kanya sa opisina ang mga papeles.
Noah ordered a main course, a side dish and a drink. His usual order when he's there. Minutes later, the waiter settled his order on his table. Ang kinaroroonan niyang puwesto ay malapit lang sa maliit na man-made pond. Nasa outside area siya ng restaurant.
He was having his meal when someone sat on the vacant chair, in front of him. The guy wears his chef hat. He instantly recognized the face.
Isa ito sa mga tumutulak sa kanya noon na pinamumunuan ng unggoy na si Lirio.
"You work here." A statement. Halata naman sa suot nito. Chef's uniform and when his eyes landed on the emblem. He figured out something. "The owner."
Tinaasan lang siya nito ng kilay, hindi na nagulat sa conclusion niya. Para saan pa't naging abogado siya. He easily noticed things.
"Ilang beses ka nang pumupunta rito, not knowing the owner. Sabagay, kapag wala kang pakialam sa tao ay di mo na 'yon kilalanin. How's your girlfriend?"
BINABASA MO ANG
Parang Kailan Lang
General FictionDo you believe in love at first sight? Do you believe that you're going to fall for that person later on at first sight? That fateful day when the sun was setting down, Daisy's bright eyes met Shinoah's dark eyes. Hanggang kailan mabibitiwan ng pus...