---x
Bumalik sa kasalukuyan si Daisy nang humangin ng malakas sa labas na lumikha ng ingay mula sa mga sangang tinamaan nito. She returned the old book in the shelf and put a smile on her face. Such a memory that she still remember.
Matagal na iyong nangyari ngunit naalala niya na iyon ang unang beses na magkaroon sila ng mahabang usapan ni Noah. May bahagi mang may itinago itong detalye sa sitwasyon nito at ng pamilya nito ay naiintindihan niya ito. Hindi madaling ikuwento ang mga bagay na mananatili munang sikreto. They were third year highschool then, too young and experiencing struggles in their home, especially him.
Bandang ala una na ng hapon nang maalala niyang bibili pala siya ng school supplies sa Ayala. Naisip niya na kung iiwas at iiwas siya ay mas lalong magkakaroon ng posibilidad na may mabunggo siyang tao mula sa nakaraan niya. Kahit ganoon ay gumayak na siya. Sinigurado niyang naka-lock ang bahay at nagpara na ng habal-habal na masasakyan niya patungong JY.
Habang lulan sa habal-habal ay naglakbay ang mga mata niya sa dinaanan nito. Ang malawak na damuhan kung saan ay doon sila tumatambay ni Lirio kapag bumibisita siya sa bahay ni Tita Emerald saka siya nito bubulabugin. Ang parehong daan kung saan nagbibisikleta silang tatlo. Ang bridge kung saan hirap silang dumaan dahil baha ang gilid niyon at natatalsikan sila ng tubig na may halong putik ng mga dumadaang habal-habal.
Bigla siyang natawa sa ala-alang iyon. Fourth year highschool na sila noon at maulan talaga ang Disyembre sa Pinas.
---x
"Buhatin mo sa likod si Daisy, Noah." Gulat sila na napalingon ni Noah kay Lirio nang mapagmasdan nila ang baha sa gilid ng bridge. Kalahati yata sa tuhod ang malulubog doon. Maingay ang rumaragasang tubig sa ilog at umuulan pa rin nang mahina. Kapwa rin sila nakasuot ng sapatos. Gayunpaman, hindi nila alintana ang ulan sapagkat basang-basa na sila kanina pa.
Kung bakit naman kasi nagyaya itong si Lirio na kumain sila sa isang barbecue-han sa paligid lang gasoline station.
"Naku, hindi na kailangan." nahihiyang sambit ni Daisy nang makabawi. Lokong Lirio, matagal na niyang napapansin na lagi na lang siya nitong pinaglalapit kay Noah. Abot-abot tuloy ang kaba at kahihiyan na nararanasan niya sa kamay ng walangyang kaibigan niya.
"Kaya nating tumawid d'yan. Hubarin n'yo ang mga sapatos ninyo at ilislis ang pantalon." suhestiyon ni Noah na nauna nang hubarin ang sapatos nito.
"May isa kasi rito na ayaw sumakay ng habal-habal kaya tuloy kalbaryo ang paglalakad natin." Dinaanan pa siya ng mga mata ni Lirio. Halatang pinariringgan si Daisy.
"Wala akong pinilit. Sabi ko, maglalakad ako at ayos lang na ako lang mag-isa. Pareho kayong sumama sa 'kin." giit ni Daisy. Hanggang ngayon, may kaba at takot pa rin kay Daisy na sumakay sa motorsiklo. Blame her imagination for that. Isa pa, muntikan na rin silang maaksidente ng tatay niya noong bata pa siya nang may kaskaserong motorcycle driver ang bigla na lang sumulpot sa kalsada. It was in Balamban province.
Lalo na ngayon na maulan masyado at basa ang mga kalsada. Madulas at hindi rin nakakatulong na makitang mabilis pa rin ang pagpapatakbo ng mga habal-habal. Animo'y nagmamadali.
"Alangan naman na hahayaan ka namin na mag-isang naglalakad e ang lakas-lakas ng buhos ng ulan." angal nito. Sukat sa sinabi nito ay unti-unting lumakas ang buhos ng ulan. Idagdag pa ang pagaspas ng mga sanga mula sa may kalakasang hangin. "Yawa! May bagyo pa yata rito."
"Ang totoo, meron." Dumako naman ang mga mata nilang dalawa kay Noah.
"Ha? Ba't di mo sinabi?" bulalas ni Lirio.
"Bago ko pa man sabihin ay tinakbo mo na ang bahay na tinutuluyan ni Daisy. Signal number 2 ngayon, narinig ko lang kanina sa barbecue-han. Di n'yo ata narinig dahil sa kalokohan ninyong dalawa." kalmadong sambit ni Noah, balewala ang mga patak na ulang tumama rito.
BINABASA MO ANG
Parang Kailan Lang
Narrativa generaleDo you believe in love at first sight? Do you believe that you're going to fall for that person later on at first sight? That fateful day when the sun was setting down, Daisy's bright eyes met Shinoah's dark eyes. Hanggang kailan mabibitiwan ng pus...