PKL: Dalawampu't Dalawa

2 0 0
                                    

---x

Bumakas ang sorpresa sa boses ni Daisy nang makita niya di-kalayuan sa bahay nila si Berry. Bakas sa nagulat nitong mukhang ngayo'y nagtatanong kung bakit may naririnig itong malalakas na boses na nagsisinghalan sa loob ng bahay nila. Kumirot ang ulo ni Daisy at napahawak siya roon.

"Daisy?" Berry inquired and instead of guiding her friend to her house, which is a mess now. Tumuloy sila sa isang mahabang upuan ilang metro lang ang layo sa bahay niya. She didn't know how to say this to Berry.

Bigla-bigla naman kasi itong bumisita sa kanila. Alam nito ang direksiyon ng bahay nila sapagkat nakapunta na ito roon.

"Hindi mo nabasa ang mensahe ko sa pager mo?" There was still a confusion in Berry's eyes. Galing ito sa Abellana dahil suot pa nito ang school uniform. Nag-alala marahil ito dahil dalawang araw na siyang absent sa klase.

"I'm worried. Tingin mo ba hindi ko napapansin ang mga araw na ang overly energetic mo? Tapos nagkataong aabsent ka pagkatapos niyon. I think it is not coincidence, Daisy." Napatayo siya nang makarinig nang kung anong bumasag sa loob ng bahay nila.

"Berry, d'yan ka lang." Magkahalong takot at pangamba ang lumukob kay Daisy nang kumaripas siya ng takbo papasok ng bahay nila. Nanlumo siya nang makita ang kanyang amang nakaupo, galit na galit ngunit mababakas ang paghihirap sa mga mata.

Sa isang banda ay nandoon ang mga kapatid nito maging ang ina-inahan nito. Ang stepmother nila..

"Hindi n'yo man lang ako kinonsulta. Ang lupang iyon na lang ang natirang alaala ng ina natin mula nang umalis siya sa poder ng pamilya natin nang dahil sa babaeng 'yan."

"Tama na, Noel. Nakalipas na ang lahat. Nagsisisi na si mama," ani Tita Emerald niya.

Bahaw na natawa ang kanyang ama. Nang makita siya ng nanay niya ay sinenyasan siya nitong ilayo ang kanyang kapatid na si Desiree.

"Hindi n'yo na ako nirespeto tungkol sa lupa. Naghirap kami na ipagtanggol puwesto namin na muntik nang mailit kung hindi lang nangutang itong asawa ko. Kalauna'y nagawa mo pa ring ibenta mama. Pinalasap mo lang kami nang ilang buwan. Ano ba talaga ang papel ko sa pamilyang ito? Masaya na ba kayo na may natapak-tapakan kayong tao? Balang araw, ako na mismo ang lalayo sa pagmamanipula ninyo. Lalayo kami ng pamilya ko rito."

Natahimik ang lahat sa sandaling iyon. Puno ng hinanakit at hinagpis ang kanyang ama mula pa pagkabata. Ayaw niyang mag-alala pa ito sa kanya kaya pinili niyang magpakatatag para rito. Dito siya nagmana pagdating sa pagtatago ng mga problema, ng sama ng loob hanggang sa tila dam na umagos na lang ang lahat katulad nang nangyari ngayon.

* * *

"Pasensiya ka na, Berry. Iyon pa talaga ang nadatnan mo. Pasensiya na, ang gulo ng bahay namin," paghingi ng despensa ni Daisy kay Berry. Mugto ang mga mata ni Daisy. Berry didn't saw her crying but she knew she cried secretly.

When the family conflict happens, she's outside, weighing the details she overlooked before when it comes to Daisy. Especially her moods.

"Kaya nakailang absent ka na this year." Napabuntong-hininga si Berry. "Your hide your problems with your smiles. May araw na nagtataka ako kung bakit ganoon ka na lang ka-hyper then biglang absent."

Natahimik si Daisy. Tama ito ng obserbasyon sa kanya. Napayuko tuloy siya. "Idadaan ko na lang iyon sa katuwaan o minsan sumasabay sa kalokohan sa loob ng school. Nakakalimutan ko kasi pagsamantala ang mga alalahanin ko sa bahay. Ayoko namang dalhin iyon sa school dahil mas lalo lang akong malulungkot. Not entirely na pagkukunwari. Masaya talaga ako ngunit pagsamantala lang."

"Gusto kitang makita kung ano ka rito."

"Baka ma-bored ka sa isa ko pang personality."

"Nope. Why would I? You're just being real to yourself. You're kind, that's why almost everybody in our school can approach you anytime. Isa pa, ayaw mo ng kaibigang puwede kang gambalain?"

Parang Kailan LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon