PKL: Dalawampu't Tatlo

3 0 0
                                    

* * *

Napasapo na lang sa noo si Shawn nang madatnan niyang napakakalat at rumi ng bahay ni Lirio. Bahay ng Tita nito na nakapangalan na kay Lirio. Nakatumba na ang mga basyong wala ng laman na alak at di niya mabilang kung ilan ang mga iyon sa rami. Nakakalat din ang mga plastic ng junk foods at ang ibang pulutan ng mga ito na di naubos ay pinagpipiyestahan ng langaw.

Kumalat ang isang maasim at nakakasulasok na amoy at napaatras niya nang makita ang kulay kahel na suka sa gilid ng sofa kung saan nakahiga si Lirio at mukhang mahuhulog na sa posisyon nito. Nasa lapag naman si Noah, nakadapa at humihilik. Lupaypay rin kagaya ni Lirio.

Simula nang mawalan ito ng mga mahal sa buhay ay ganito na ang drama ng dalawa. Ang mag-inuman hanggang sa kulang na lang ay gumapang na ito sa kalasingan.

Parang gusto niyang pagbuhulin ang mga ito. Tumagay na naman ito kagabi na hindi siya kasama. Malamang, marami pa siyang inaasikaso sa Student Council office kung saan isa siyang senator. Sa university kung saan sila nag-aaral na tatlo.

Aburidong napabuntong-hininga siya't sinimulan na ang paglilinis. Una niyang dinampot ang mga basyo ng alak. Hindi niya maiwasang mapangiwi sa baho ng suka na malamang galing kay Lirio. Sa kanilang magkakaibigan, ito ang may pinakamababang tolerance pagdating sa alak.

Nilinis na rin niya ang suka gamit ang basang mop. Hindi ito ang unang beses siyang naglinis sa kalat ng mga ito. Noong una, naiintindihan niya dahil nagluluksa ang mga ito ngunit paglipas ng mga araw, lumalala ang pinaggagawa ng mga ito. Lalo na si Noah.

"Hanggang kailan kayo magpapakawasak sa buhay ninyo ha?" untag ni Shawn kay Noah na pumasok sa kusina, suot lamang ang boxers nito. Hindi ito umimik bagkus ay naupo lang ito sa high stool ng kitchen counter. "Oo, hindi madali ang pinagdaraanan n'yo pero kailangan bang ganito kayo lagi? At wag n'yo kong simulan na hindi ko 'to naranasan para maintindihan ang sitwasyon ninyo. You're not stupid and you couldn't turn back time. You're not a divine something who could prevent death."

Iminuwestra niya ang paligid. Napabuntong-hininga na lamang sa konsomisyon si Shawn at tinapos na ang paghuhugas.

"Ouch! My head hurts!" Sapo ni Lirio ang ulo nito nang pumasok sa kusina. Wala rin itong suot na pang-itaas.

"Maglinis na nga kayo ng sarili ninyo! Ang tatapang ng mga amoy ninyo!" reklamo ni Shawn at padabog na tinapon ang isang rag sa basurahan. "Maglalasing tapos magrereklamo sa hang-over. Kahit anong gawin n'yong paglunod sa alak. Hindi pa rin magbabago ang lahat."

Natigilan ang dalawa. Tila dinaraanan ito ng mabigat at maitim na mga ulap sa ibabaw ng mga ulo nito. Shawn just put his arms on his waist. Nagmukha siyang problemadong tatay sa harap ng mga ito.

"Yes, it's painful to think that you couldn't create new memories with her. At mananatiling ganoon ang edad niya paglipas ng panahon. Kapag nakita ka niyang ganito, matutuwa ba siya, San Miguel? Think of it. I respect your mourning but to destroy your life like this? It's entirely a different story for me." Natahimik lang si Lirio, hindi magawang makatingin sa kanya. Binalingan niya ang nakatulalang si Noah. "We knew how you struggled ever since we've met. But you're fighting and still living despite the hardships. Where is that Noah? Ngayon ka pa ba susuko?"

Napatiim-bagang ito. Kapag ganitong nawawalan na siya ng pasensiya ay natatahimik na ang dalawang ito. Nagtimpla na lamang siya ng kape sa mga ito. Pampawala ng hang-over.

"May klase ka pa, San Miguel. Pumasok ka na at male-late ka na sa duty mo, Sagara. "

Nagmartsa siya pabalik sa sala upang ituloy ang paglilinis niya. Umiinit ang ulo ni Shawn ngayong magkasama sila sa kusina at baka masuntok pa niya ang mga ito para tumino naman ang takbo ng utak.

Parang Kailan LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon