CHAPTER 13

394 14 1
                                    

Chapter 13: Jealous

"Nasan sila Tita?" Tanong ko.

Nakasakay na kami ngayong lahat sa Van, katabi ko si Alli at Jen habang nasa tabi naman ni Jen si Eljey at nasa likod naman ang iba.

"Pumasok sa trabaho, si Zairis naman, may event sa school kaya walang tao sa bahay kundi kami." Sagot niya habang nakatingin sa kalsada.

"Eh ikaw? Wala kang pasok?" Tanong ko habang hinihinaan yung aircon ng Van dahil nilalamig daw si Alli.

"Wala, mamaya pang hapon."

Tumango lang ako at hindi na umimik. May kumalabit sa akin mula sa likuran kaya napatingin ako doon.

"Ang gwapo ng kuya mo..." bulong ni Rexan.

"Oo nga, di tulad nung mga 'to.." si Megan sabay turo sa mga lalaki na mukhang bored na bored sa nangyayari. "Mga nakakasawa ang pagmumukha..." umirap pa siya.

Natawa nalang ako habang nakatingin sa mga lalaking mukhang na-offend sa sinabi ni Megan.

"Kayo din naman, ang papangit." Anaman ni Aru sabay dila.

"Excuse me? Sinabihan ko ba kayong panget!?" Singhal ni Megan, nanlalaki ang mata sa inis.

"Bro, nainis na...lagot ka..." natatawang bulong ni Kian kay Aru na halos rinig naman ng lahat.

Pairap na itinuon ni Megan ang kaniyang paningin sa harapan kaya binalingan ko na rin si Alli na panay naman ang kalabit sa akin.

"Malapit na ba tayo?" Tanong niya.

Tinignan ko ang labas bago ako tumango. "Oo.."

Tumahimik na ang lahat at pinanood nalamang ang bawat bahay na aming nadadaanan hanggang sa nakarating na kami sa amin.

Isa isa kaming bumaba at nagawang pang maglahad ng kamay si Raib na animo'y napakataas ng aking bababaan.

"Kaya ko..." sabi ko.

Tumango siya pero nakaantabay pa rin kung sakali mang mamali ako ng apak.

"Sweet.." bulong ni Jen bago natawa.

Naiwan si Kuya Jim dahil ipapark pa niya 'yong Van kaya umuna na kami. Binuksan ko na ang aming gate at pinapasok na silang lahat na masayang sinisipat ang paligid.

Naabutan naming tahimik ang buong bahay at umingay lamang dahil sa pagdating namin.

"Love? Nandyan na ba sila?" Rinig kong anang isang babae na sa tingin ko ay ang girlfriend ni Kuya.

Naka-messy bun ang kaniyang buhok habang bumababa sa aming hagdanan, nakasuot siya ng puting tshirt at fitted jeans. Ngumiti siya nang tumama ang kaniyang paningin sa amin pero agad iyon nawala dahil sa pa-histeryang sigaw ni Jen.

"Ate?! What the hell are doing here?"

"Jen..." ngumisi yung tinawag niyang ate, halatang kabado.

"Chasey..." rinig kong sabi ni Kuya na kakapasok pa lang. Pinuntahan niya yung ate ni Jen at agad niya itong hinawakan sa bewang na ikinagulat ko. "This is my girlfriend, Jewel Sandizon."

Rinig ko ang pagsinghap ni Jen sa gulat habang ako ay tumango lang ng dahan dahan, pinoproseso ang mga nangyayari.

I guess, Sandizon has this genes na lahat ay matatangkad.

"Hello! Nice to meet you all.." nakangiti ani ate Jewel sa aming lahat. "I cooked foods! Tara kumain kayo.."

"Wow, pero sa bahay ay 'di naman 'yan nagluluto.." Bulong bulong ni Jen sa aking tabi.

Deceived HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon