CHAPTER 8

508 20 20
                                    

Chapter 8: Crush

Chasey's POV

"Are you on silent mode?" Tanong ni Raib nang mapansin niyang tahimik ako at nakamasid lamang sa aming dinadaanan.

Nandito kami ngayon sa loob ng kaniyang sasakyan, siya ay prenteng nagma-maneho habang ako naman ay nasa kaniyang tabi.

Kumunot ang aking noo bago napatingin sa kaniya.

"What do you mean?"

"Tsh.." tanging nasabi niya habang nakaismid.

May kinalikot siya sa kaniyang cellphone at maya maya lang ay bigla nalamang tumugtog ang kantang Sana'y Di Nalang ng Bandang Lapis.

"Fan ka ng OPM's?" Gulat kong tanong.

Umiling siya bago napabuntong-hininga.

Sinimulan niyang sabayan ang kanta kaya agad nalaglag ang aking panga sa gulat.

Ang baritono niyang boses ang naging dahilan ng pagtayo ng aking mga balahibo at kahit sino ata ang makarinig nito ay paniguradong mag-iinit ang puso.

"Para di ako nasugatan, sa ginawa mong patalim...."

"Bakit hindi ka sumali sa banda ng GHS?" tanong ko, ang paghanga ay naroon pa rin sa aking mukha.

Hindi niya ako pinansin bagkus ay patuloy pa rin siya sa pagkanta.

"...Pero parang ayos lang sayo Ang lahat, kahit na ako ay sugatan..."

Napalabi ako bago umiwas ng tingin, bakit parang may meaning iyong pagkanta niya? Sinaktan kaya siya ni Daphne?

"..Sanay di nalang kita nakilala, Sana di nalang kita nakasama, Sinaktan mo lang ako..."

Nang sa wakas ay natapos na siya sa kaniyang pagkanta ay agad akong napatingin sa kaniya dahil tumahimik lang siya at hindi na nagsalita pa.

"Okay ka lang ba?"

He nodded. "Yeah."

Nakita ko ang lungkot sa kaniyang mga mata na agad rin namang nawala dahil siguro napansin niyang nakatingin ako sa kaniya.

"Malapit na tayo.." aniya at ibinaling ang manibela pakaliwa.

"Sino nga pala ang tao roon sainyo?" Tanong ko.

Tumingin siya sa akin saglit ngunit agad ring bumalik ang tingin sa daan.

"My parents, of course.."

Napairap ako sa kaniyang sinagot, grabe nakatulong ng sobra.

"I mean, sino sino?" May diin ko ng tanong.

Natawa siya. "Why? Are you nervous?"

"What if I say yes? May magagawa ka ba?" Nanghahamon kong tanong.

"Yeah, this." Kinuha niya ang aking kamay at pinagsiklop iyon.

Hindi pa siya nakuntento at dinala pa niya ang aking palad sa kaniyang pisngi.

"Siraulo ka ba?" Gulantang kong tanong bago bawiin ang aking kamay.

"Hindi.."

"Eh ano ka kung ganoon?" Naiinis kong tanong.

"Buo-ulo."

Napatiim ang aking bagang, nagpipigil ng galit.

"Gusto mo sirain ko?"

"Ayoko," aniya habang natatawa.

Umiwas nalamang ako ng tingin at pinansin ang daang aming tinatahak.

"Malapit na tayo.." paalala niya.

Deceived HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon