CHAPTER 14

377 11 1
                                    

Chapter 14: Silver High School

"Goodafternoon GHS students! Isang mapagpalang araw sa ating lahat. Please proceed at the quadrangle for the Tawag ng Tanghalan that will begin in a minute. Thank you!"

Sabay sabay na kaming tumayo at nag ayos ng aming mga sarili. Ipinusod ko ng ponytail ang aking buhok pagkatapos ay nagpulbos na rin.

"May pabango ka?" Tanong ni Jen sa akin.

Nakalugay na ngayon ang kaniyang medyo kulot na buhok kaya mas lalong nagsumigaw ang kaniyang kagandahan.

Umiling ako kaya si Eljey naman ang binalingan niya. Kakaubos lang ng pabango ko nung isang araw, siguro ay bibili nalang ulit ako kapag nadaan ako sa mall.

"Meron, kunin mo sa bag ko.." sagot ni Eljey sa kaniya na ngayon ay nag aayos naman ng buhok.

Humingi na rin ako at pumayag naman siya. Pagkatapos magpabango ni Jen ay binigay niya 'yon sa akin.

Nagspray ako ng kaunti bago napatingin sa mga lalaking nakatitig ngayon sa pabangong hawak ko.

"Oy, Chasey! Mabango ba yan? Lagyan mo nga ako..." ani Aldrin sabay muwestra sa kaniyang katawan.

Naka-akbay siya kay Nathan na ngayon ay nakatitig sa nagpupusod na si Eljey. Umiling ako kay Aldrin.

"Magpaalam kayo kay Eljey, sa kaniya yan," sabi ko.

"Eljey..." tawag ni Aldrin, humarap si Eljey sa amin kaya biglang tumingin sa ibang direksyon si Nathan. "Penge ako, este kami pala..." tinuro niya si Nathan.

Okay?

Tumango lang si Eljey at bumalik na sa kaniyang ginagawa.

"Oh, sprayan mo na kami..." ani Aldrin.

"Inuutusan mo ba ko?" Umirap ako bago sila ini-sprayan dalawa.

Kunwari pang gusto niya ng pabango, eh baka nga inutusan lang siya ni Nathan para lang mai-sprayan din siya at magkasing amoy na sila ni Eljey. Tsk.

"Ang bango! Kanino yun?" Ani Aru na sumisinghot singhot pa.

"Mukha kang aso!" Tatawa tawang sabi ni Alli sabay hampas ng notebook sa balikat ni Aru.

Ngumuso lang si Aru at tinignan siya ng masama.

Pinagkaguluhan nilang lahat yung pabango ni Eljey kaya halos maubos na ito. Wala naman daw siyang pake at pwede naman daw bumili nalang ulit.

Ang yayaman talaga ng mga istudyante rito. Pero hindi na 'yon katakataka dahil nakapag-enroll sila dito, eh ang mahal kaya ng tuition dito, plus wala pang scholarship.

"Halika na nga at baka mapagalitan pa tayo!" Sabi ko kanila sabay labas ng room.

I wonder where is Siennah now. Pagkabalik kasi namin ni Raib kanina sa classroom ay wala na ito, baka pinalabas na nila.

"Galingan n'yo ah!" Ani Alli sabay akbay sa akin.

Inakbayan ko rin siya. "We will.."

"Contest daw ba 'to?" Tanong ni Kian na ngayon ay ngumunguya ng tinapay.

"Oo, may the best section win.." sagot ko bago ngumisi.

I accidentally looked at Raib who was now staring at me intently. Like he was hurt or something...

Umiwas nalang ako ng tingin at nagpatuloy sa paglalakad. Nadaanan namin ang isang grupo ng mga teachers kaya binati namin sila.

Deceived HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon