CHAPTER 6

517 22 12
                                    

Chapter 6: SSG Election

Jen's POV

"Oh, hello sweetie.." salubong sa akin ni mommy pagkauwi ko ng bahay.

Hinalikan ko siya sa kaniyang pisngi bago ako magmano.

"Nasaan po sila daddy?" tanong ko pagkatapos ay ibinaba ang bag sa sofa.

"Nasa dining table sila at kumakain, mabuti pa ay sumabay ka na sa kanila," aniya bago ngumiti.

Tumango ako at ngumiti rin bago tumungo sa aming dining area, naabutan kong tahimik na nag-uusap si ate at si daddy at natigil lamang nang makita ako.

"Oh, kumusta?" natatawang tanong ni daddy.

"Okay naman po, bakit?" tugon ko bago tumabi kay ate.

Napansin kong may nag-iba sa kaniya kaya agad nanliit ang aking mga mata, siya naman ay namula pagkatapos ay umiwas lang ng tingin.

"How's you and Rael-?"

"Okay lang po," putol ko agad kay daddy.

Napayuko ako at sinimulan na ang pagkain. Ganiyan siya palagi tuwing nagkikita kami, legal si Rael sa aking pamilya at ganoon din sa kaniya pero ganoon talaga eh, masyado pa siguro kaming mga bata para sa ganoong klase ng relasyon.

*flashback*

"Jen..." tawag ni Rael.

Nandito kami ngayon sa isang walang mataong lugar at kitang kita ang papadilim ng langit sa isang Amusement park dahil dito raw niya gustong i-celebrate ang aming 16th monthsary.

Humarap ako sa kaniya at agad umihip ang malakas na hangin kaya pinagsiklop ko ang aking mga buhok.

He smiled but I saw how hurt his eyes are. "Iitigil na natin 'to.."

Umawang ang aking bibig pagkatapos ay pagak na natawa.

"Isa ba ito sa mga j-joke mo?"

Humarap siya sa akin kaya nakita ko ang pagtulo ng kaniyang mga luha, nagtubig rin ang aking mga mata kaya agad akong umiwas ng tingin.

"Jen.." umiling siya. "Ayoko na.."

Isa isang nagtuluan ang aking mga luha dahilan ng panlalabo ng aking mga mata. "N-nasaan na yung Rael ko?"

"Jen.." sinubukan niya akong hagilapin ngunit agad akong umiwas.

"I-ikaw pa ba yung Rael na minahal ko?" hindi ko na napigilang mapa-hikbi habang siya naman ay napahilamos na sa kaniyang mukha. "Alam mo? s-sana...sana hindi nalang kita minahal!" sigaw ko habang patuloy ang pag-agos ng luha.

"Jen, s-sorry.."

"Sorry?! Rael, sige nga sabihin mo!" huminga ako ng malalim at tahimik na umaasang isa ito sa mga joke niya. "Bakit?!"

"Jen.." tinignan niya ako ng diretso sa mga mata kaya lalo akong napaiyak. "I don't love you anymore..."

Sinampal ko siya kaya napatagilid ang kaniyang ulo, nanatili siyang ganoon na tila ba ay nagulat.

Umiling ako. "Rael.."

Tumalikod na siya kaya hindi ko na siya nakikita pa ng malinaw dahil sa sunod sunod na luhang tumutulo galing sa aking mga mata.

Napahikbi ulit ako bago siya nawala nang tuluyan sa aking mga paningin.

"Huy.." nabalik ang aking ulirat sa tawag na iyon ni ate.

Deceived HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon