CHAPTER 25

338 13 1
                                    

Chapter 25: Necklace

I felt my body froze for a moment.

And before I could even speak, Karina already pointed her gun to me.

Alam kong hindi siya nagbibiro kung sakaling ipuputok nga niya iyon dahil seryosong seryoso siyang nakatingin sa akin. Walang bahid nang pag-aalinlangan.

Damien also raised her gun and to our surprise, she aimed it at Via's position.

Nanlaki ang aming mga mata at hindi nakapag-salita.

"Bibilang ako nang hanggang tatlo at lahat kayo, yuyuko..." Ani Karina at tinignan kaming lahat. "..isa.." simula niya.

"..dalawa.."

".....tatlo.."

Sabay sabay kami nagsi-upuan at tanging naiwan lamang na nakatayo ay silang dalawa ni Damien.

Sabay-sabay nilang pinaputok ang kanilang mga hawak na baril at sa aking gulat, lahat ng kanilang pinaputok ay tumama sa mga tauhang dapat susugod sa amin.

"Astig mo roon," ani Damien kay Karina at tinanguan ito. "Sana all.."

"Shut up," inis na wika ni Karina bago tumingin sa amin. "Let's go, sundan niyo ako nang makatakas na kayo." Patakbo siyang lumakad na mabilis naman naming sinundan.

What? Akala ko ba ay kalaban siya? Why are they saving us now?

Habang palabas kami sa kagubatan ay humarap sa akin si Karina at patalikod nalamang na lumakad.

"We used to be one of them." Panimula niya. That caught my attention that made me stop walking. "Don't stop, if ayaw mong bumalik sa kanila.."

Tinitigan ko lang siya. Wala na sana akong balak na sundin pa siya ngunit mahina na akong hinitak ni Ate Jamira kaya wala na akong nagawa kung hindi ang maglakad muli. Nagsimula ulit magsalita si Karina.

"Avison, is the name of their organization."

Avison?

I don't know why, but my heartbeat quickened as I heard that word.

"Kung dati kang kasapi sa kanila...edi kilala mo si 24-11?" Tanong ni Dea.

"No.." sabat ni Damien. "Kahit kailan, hindi sila nagpakita ng mukha, unless nagbigay sila ng permission."

"Paano ka nakatakas sa organisasyon nila?" Tanong naman ni Jen.

"We...didn't," mahinang wika ni Karina.

"Ibig sabihin ay kasapi pa rin kayo?" Ako naman ang nagtanong.

Tumango sila nang sabay.

"Pero hindi namin kayo sasaktan, huwag kayong mag-alala.." Damien smiled.

"Any moment, pwede na kaming mamatay..." walang emosyong sabi ni Karina. "...tiyak na may magsusumbong na mga tauhan kung bakit kayo nakatakas at kami ang pupuntriyahin."

"But that's alright.." Damien chuckled. "We both want to help you all and I think nagawa naman na namin 'yon.."

"Sobra..." napangiti ako.

"Si Miss Linuenco na ang bahala sa muli mong pagpasok sa GHS, Pres.." ani Karina at humarap sa akin. "Hanggang dito nalang kami. Basta diretsuhin niyo lang 'yung daan then turn right.."

"Maiiwan kayo?" Tanong ni Alli at mukhang nalungkot.

"Gusto ko pa sanang magkwento pero nararamdaman kong papalapit na sila. Handa na rin naman kami sa maaring mangyari nung oras na trinaydor namin ang Avison at hindi namin kayo sinisisi roon." Ramdam ko ang kalungkutan sa boses ni Karina ngunit pilit niya 'yon pinatatatag.

Deceived HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon