PROLOGUE

1.9K 31 10
                                    

"Chi-Chi! baka gusto mong dalian ang pag-aayos ng hindi ka mahuli?! unang araw mo sa iskwelahan ay babagal-bagal kang kumilos!" pagalit na sigaw ni Tita Zarmela habang sunod sunod ang pagkatok sa aking kwarto.

"Opo tita..heto na po."

Binuksan ko na ang pinto at agad nagtama ang mga mata namin. Galit ang nakita ko rito kaya agad akong napayuko.

Siya nalang ang kasama ko sa buhay dahil matagal nang patay sila Mama at Papa, kapatid sya ng Papa ko at satingin ko ay napilitan lamang siyang arugain ako dahil wala naman ng ibang kukupkop pa sa akin.

Mayaman at amerikano naman ang kaniyang napangasawa. Tatlo ang kanilang naging anak, kaya naman naiintindihan ko kung ang tingin niya sa akin ay pabigat lamang sa kanila

"Bilisan mo na riyan! At naghihintay na ang kuya Jim mo sa baba!" aniya pa bago umirap at tumalikod na.

Ang sakit sa tenga ng boses niya, sa totoo lang.

Tumango nalang din ako bago bumaba sa napakaganda nilang hagdanan.

Sumisigaw ang pagkakintab niyon na animo'y hindi nadadapuan ng mga dumi at alikabok, ganoon rin ang marmol na sahig sa ibaba kaya agad kong sinipat ang aking sapatos.

Mahirap na at baka may dumi pa, nakakahiya naman kung nakikitira na nga lang ako dito tapos ay dudumihan ko pa ang kanilang mansyon.

"Hoy pinsan kong pinaglihi sa unggoy! Male-late na tayo! Dalian mo, tara na!"

Dahan-dahang umangat ang nanlilisik kong mga mata sa lalaking nakatayo sa pintuan. Agad naman niyang tinaas ang dalawang braso na para bang sumusuko habang nakangisi.

"Joke lang, tara na kasi, male-late na tayo!" ani kuya Jim.

Tumaas ang isa kong kilay bago inis na napairap.

Siya ang pinsan kong 'mapang-asar'. Pangalawang anak siya ni tita Zarmela. Nakasuot ito ng puting polong pang-kulehiyo na tinernuhan ng itim na pantalon, naka-ayos na rin ang itim niyang buhok at hanggang sa aking kinatatayuan ay naaamoy ko ang napaka-baho nitong pabango.

Tho kahit na mabango naman siya, it's just a no for me.

"Sus! Ang sabihin mo, wala ka lang maligawan dito!" sabi ko bago tumungo sa kaniyang kinaroroonan, agad naman niya akong inakbayan.

"Di ko na kailangan manligaw, Chi, baka nga pa sila ang manliligaw sa aki-"

"Yabang mo, hindi ka naman gwapo!" putol ko sa kaniya bago umirap at umuna na sa kaniyang sasakyan.

Nakita ko siyang umiling-iling bago pumasok sa driver seat at paandarin ang kaniyang mamahaling sasakyan.

Tumingin na lamang ako sa labas ng bintana at inalala ang magiging bago kong iskwelahan.

Kinakabahan ako na may halong excitement, huminga ako ng malalim at tahimik na hiniling na sana ay maging maayos naman ang pakikitungo sa akin ng mga istudyante roon.

"Malapit na tayo," paalala ni kuya Jim.

Tama nga siya dahil nakikita ko na ang ibang mga istudyante na kamukha ng aking suot kong uniporme, dilaw na necktie at palda na tinernohan ng maroon na coat at logo ng Golden High School.

Tumigil na ang sasakyan sa tapat mismo ng gusali ng GHS, kaya agad kumalabog ang aking puso lalo na at naagaw namin ang atensyon ng iba pang mga istudenyante.

"Wag mo nalang silang pansinin, Chi," napatingin ako kay kuya Jim, agad siyang bumuntong hininga. "Sige na, bumaba ka na. Goodluck sa first day mo."

Tumango ako at napagpasyahang nang bumaba. Agad naman niyang pinaharurot iyong sasakyan kaya ako naman ngayon ang napabuntong hininga.

Napayuko ako sa tinging ipunukol sa akin ng ilang mga istudyante bago simulan ang paglalakad.

Bakit ganiyan sila makatingin?

Napahinto ako sa paglalakad dahil sa biglaang pag-ugong ng mga speaker sa bawat sulok ng iskwelahan.

"Good morning GHS students! Isang mapagpalang araw sa ating lahat. Kindly proceed at the quadrangle for our first flag ceremony. Again, kindly proceed at the quadrangle for our first flag ceremony, thank you."

Nanlaki ang mata ko at agad nagtatakbo, ang ibang nakakabunggo ko ay sinisigawan pa ako pero wala na akong pakielam dahil ang kailangan ko lang ngayon ay ang aking classroom dahil wala na akong ibang bababaan nitong aking bag.

Malas naman.

"H-hello, alam mo ba kung saan yung room ng grade 10 section A?" nag-aalangan kong tanong sa isang babaeng nakasalubong ko.

"Building 4, 3rd floor..." aniya, nagpasalamat ako at agad ng tinahak 'yong building 4.

Pawis na pawis at hinihingal kong binuksan ang pintuan kung saan may nakalagay na '10-A'.

Gulat ang nakita ko sa kanilang mga mata, pero hindi ko na iyon pinansin pa at humanap nalamang ng mauupuan.

"Oy bro may transferee!" rinig kong sabi ng isang lalaki sa bandang kaliwa ko.

"Maganda?" anaman nung isa, siguro ay hindi pa ako nakikita dahil nakatalikod ako sa kanila.

Agad kong kinuha ang bimpo sa aking bag at nagpunas ng pawis pagkatapos ay humarap na sa kanila. Their lips automatically formed into an "O" shape with a shock expression.

Tumaas ang aking kilay. "Is there any problem?"

Natauhan sila at sunod sunod na umiling at nag-unahan pang lumabas ng room na agad kong ipinagtaka.

"Guys! Labas na!" anang isang babae, nakapusod ito at nakasalpak ang isang lollipop sa kaniyang bibig.

Binalik ko na ang bimpo sa loob ng aking bag at agad lumabas.

Sinundan ko nalamang kung saan patungo ang aking mga kaklase dahil hindi ko rin naman alam ang patungo roon.

Pagkarating namin doon ay halos mapuno na iyon sa dami ng mga istudyante, ang iba pa ay nag-uusap usap at may kaniya kaniyang grupo.

"Oh my! May transferee!" rinig kong sabi ng isang babae, marami sila at nakapalibot na tila may pinag-uusapan pero agad kong naagaw ang atensyon ng nga ito dahil nga tinuro ako nung babae.

My lips parted in embarrassment, w-what the hell? Ano ba ang problema nila sa mga transferee?

Pero bago sila makapag-salita ay Nagulat nalang ako ng biglang may lalaking humatak sa aking kamay at dire-diretsong tinungo ang harapan kung saan nakapila ang aking mga kaklase.

Agad kumunot ang aking noo nang humarap siya sa akin, he's so familiar!

He smirked. "Why? Am I familiar?"

Dahan dahan nanlaki ang mata ko, hindi ako maaring magkamali.

"M-meme?" nauutal kong tanong.

Kumunot ang noo niya at agad namula.

"W-what the fuck?! I'm not Meme!" aniya na animo'y hiyang hiya.

"Dont fool me, you are Mem-"

"I-I'm Isaias now, Chasey! I-I've grown up!"

"Grown up? S-seryoso ka?" natatawa kong tanong, agad ko siyang inakbayan at ginulo ang buhok.

Siya ang kababata ko noong naging kapit bahay namin sila, Isaias Merald ata ang tunay niyang pangalan, pero binansagan ko siyang Meme dahil dati ay nahahabaan ako sa kaniyang pangalan, pero kung Isaias na ang gusto niyang itawag ko sa kaniya ay walang naman magiging problema.

Nagsimula na ang ceremony at nang natapos ay agad na kaming bumalik sa sari-sarili naming classroom kaya heto kami ngayon at nagpapakilala sa harapan isa isa.

Natahimik ang apat na sulok ng classroom ng hindi tumayo iyong lalaking susunod na dapat magpapakilala, napatingin kaming lahat doon na tila binabantayan ang bawat kilos niya.

Bumuntong hininga siya bago pasadahan ng palad ang kaniyang buhok at tumayo sa harapan, hindi niya suot ang coat niya at bukas pa ang dalawang butones nito, damn. Uminit ang aking pisngi kaya umiwas nalamang ako ng tingin.

"I'm Ryan Aibrenz Laveridad.." aniya bago dilaan ang pang-ibabang labi, nanlaki ang mata ko nang napatitig siya sa akin. "Your future."

Deceived HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon