CHAPTER 34

46 2 0
                                    

Chapter 34: Flashback

"Before the official enrollment for this school year ng GHS. Kinita niya kaming lahat. Ipinaliwanag niya na gugulo ang lahat sa oras na malaman mo ang katotohanan. Hindi kami naniwala kaya she used your little brother..." napayuko si Aldrin. "At first, nagulat kami dahil may kapatid ka pala. Then sinabi niyang kapag nalaman mo ang lahat ng ito ay hindi siya magdadalawang-isip na ipapatay si Haniel.."

What the fuck?

"Doon nagsimula ang lahat ng ito. Si Lali at si Zairis ang may pakana ng lahat. Sinubukan naming hagilapin ang lahat ng istorya sa likod ng galit sa'yo ni Lali. Hanggang sa nalaman namin na nagsimula iyon noong nagpakasal si Tita Alerey kay Tito Chase. Dahil alam ni Lali na gusto ni Miss Linuenco na kaniyang anak si Tito Chase noon pa man. Naging sila ata pero naghiwalay rin. Kaya nung naikasal na si Tita at Tito ay nagalit si Miss Linuenco at pati na rin si Lali dahil pakiramdam ni Lali ay niloko siya ni Tita Alerey kahit na parang hindi naman ata, ewan ko ba." Napailing si Rexan at nagkibit-balikat.

Naging sila ni Papa? Natulala ako sa nalaman. Hindi ko pa naipo-proseso sa utak ang mga impormasyong nalaman nang agad nagsalita si Joaquin.

"Nagbanta siya na maghihiganti siya, Chasey. Pero naipanganak ka na't lahat ay wala namang ginawang aksyon si Lali kaya naman ang akala ni Tita Alerey ay humupa na ang galit ni Lali sa kaniya. Pero hindi pa pala. Naghihintay lamang siya ng tamang pagkakataon para gantihan ang nabuong pagmamahalan nila Tita. And it was you."

"Pero paanong napunta si Haniel kay Lali? Hindi ba at magkagalit sila ni Mama?" Naguguluhan kong tanong.

"Siguro sa ngayon ay hindi mo pa ito naalala pero umalis noon ng bansa si Tita Alerey para magtrabaho. Twelve years old ka lang ata noon. Ang alam ng lahat ay magtatrabaho lang ito pero buntis na pala siya noon. Sa ibang lalaki." Ani Via at tinitigan ako.

"Nabuntis si Mama ng ibang lalaki?!" Nalaglag ang panga ko sa gulat.

"Oo. Nagcheat siya." Natawa si Aru.

"Your words." Mariing sabi ni Megan at inirapan ito. "Basically, ayaw ng pamilya ng Papa mo kay Tita. Hindi nakayanan ni Tita ang mga masasakit na salita kaya sandali itong lumayo. Pagbalik ayon nagdadalang tao na..."

"And then?" Sabi ko sa mahinang boses dahil mukhang naririnig nung ibang mga tauhan ang aming pinaguusapan.

"Noong una ay hindi raw natanggap ni Tito Chase ang nangyari pero nagkapatawaran din daw ang dalawa kalaunan. They decided na sa ibang bansa manganak si Tita at ipaampon nalang ito kesa ipa-abort. Minsan ay bumibisita si Tito kay Tita sa ibang bansa pero umuuwi rin kalaunan upang hindi mapaghalataan at kumalat sa iba ang nangyari."

"Zairis is the real evil here, she encouraged and manipulated Tita Alerey na kay Lali ipaampon si Haniel." Dagdag ni Jen.

Natahimik kaming lahat. Lalong nag-ngitngit ang galit ko kay Zairis.

"Kaya niya pinatay si Papa. Para magalit si Tita Zarmela sa akin at maging malamig ang pakikitungo sa lahat dahil alam ng lahat kung paano at gaano niya kasundo ang nagiisa niyang kapatid." Sabi ko nang unti-unting naintindihan ang nangyayari.

Kita ko ang pagtango ng iba sa gilid ng aking mga mata bilang pagsang-ayon sa aking sinabi.

"Nalaman lang din namin kailan lang na... napaikot rin pala si Dean Enuevo kaya ka ibinagsak para mas lalong magalit sayo si Tita Zarmela." Anaman ni Kian.

Some parts of me, won't believe them. May part sa akin na ayawa maniwala.

"Teka nga...Paano niyo ba nalaman ang mga ito, I mean it's not that I am doubting you all when it comes to this. Pero papaano?" Kumunot ang noo ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 30 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Deceived HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon