CHAPTER 20

378 7 0
                                    

Chapter 20: Best

Gaya nang sinabi ni Miss Linuenco ay umuwi kami agad pagkatapos ng nangyaring palaro.

Hindi man nga lamang kami nag-enjoy kahit sandali. Hindi namin nagamit ang mga ihawan, hindi nakain ang mga pwedeng kainin at mas lalong hindi namin nagawa ang mga plano namin.

Hanggang sa pagkarating namin sa GHS ay nagtataka pa rin ako kung bakit kami pinauwi kaagad. Kung may ipapagawa naman kasi ay pwede naman siguro gawin 'yon bukas, bakit ngayon pa?

My phone beeped indicating that someone had messaged me. I immediately opened it just to see a number I don't even know.

Unknown Number:

Hi! Where r u? Hindi kita makita...

Sino naman kaya ito? At bakit alam niya ang number ko?

I typed my reply.

Me:

Sino ka?

The unknown number replied as fast as I expected.

Unknown Number:

Tripper Trinidad :)

Sandali akong natigilan dahil sa kaniyang reply. Where the fuck did he get my number?!

"Sino 'yan?" Tanong ni Alli nang mapansin niyang seryoso ako sa pagta-type.

Agad kong isinarado ang aking cellphone at sumabay nalang sa kanilang maglakad papunta sa opisina ni Dean. Pinatawag daw kasi kami nito at may importante raw na sasabihin.

"Wala lang 'yon..."

Tinignan niya ako habang nanliit ang mga mata na animo'y nagdududa siya kaya ngumiti nalamang ako upang mapawi 'yon.

"Oo nga, wala lang 'yon! Promise.."

Hindi nabago ang ekspresyon niya at nananatiling mukhang nagdududa ngunit umiwas na siya ng tingin kaya gano'n nalang din ang ginawa ko.

Pagkapasok namin sa Dean's Office ay sumalubong agad sa 'min ang sobrang babang temperatura dahil sa dalawang aircon na nakatapat kay Dean Enuevo. She's writing something on her desk at mukhang hindi pa yata kami napapansin.

"Uhm, good morning po!" Wika ko upang mabaling ang atensyon niya sa 'min.

Agad naman siyang napatingin sa aming gawi at napangiti.

"Good morning, take a seat.." nakangiti niyang iminuwestra ang mga upuan sa kaniyang harapan kaya agad kaming nagsi-upuan.

"I called all of you because I have something important to announce. Your grades are done for the second quarter and will be distributed right now." Ani Dean.

Ramdam ko ang kaba nila Alli ng malaman 'yon. But I shouldn't be nervous like them, dahil alam kong hindi ako bagsak, at hindi dapat ako bumagsak.

Tinawag ni Dean Enuevo ang kaniyang sekretarya at agad naman 'yon dumating. May katangkaran ito at maputi, may salamin siyang suot suot at straight din ang mga buhok. She's also holding a papers na mukhang ang mga grades na namin for the second quarter.

"Alright, ngayon siguro ay may nagtataka na sa inyo kung ano ang aking ia-announce at bakit kailangan dito pa sa 'king opisina..." then she cleared her throat. "...section A...always remember that you are a 'Graduating Student'. Kailangan ay hindi kayo bumagsak dahil paniguradong hindi ninyo makukuha ang sertipiko ng pagtatapos. Hindi kayo makakatungtong ng kulehiyo dahil uulit kayo panigurado ng grade 10." Nilagay niya ang dalawang kamay niya sa kaniyang harapan habang magka-siklop at napabuntong-hininga. "But sadly, two of you.. didn't pass the grades we're expecting you to have.."

Deceived HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon