CHAPTER 5

528 19 2
                                    

Chapter 5: Match Staring

Alli's POV

"Nakakatakot naman iyan.." bulong sa akin ni Jen at nginuso si Chasey.

Napangiwi ako bago bumaba ang tingin sa kinakain. Nandito kami ngayon sa cafeteria upang mag-recess pero si Chasey ay nakatulala lamang na animo'y nabaliw na.

"Chasey.." tawag ni Eljey.

Hindi na naman siya namansin bagkus ay tamad pa siyang dumukdok sa lamesa. Napa-iling nalamang ako.

"Alam niyo, hayaan nalang muna natin-"

"Chasey, are you okay?" otomatiko akong napatigil sa pagsasalita nang narinig ko ang tinig na iyon ni Isaias.

Napa-awang ang aking bibig at agad naghurumentado ang buong  sistema. Nagpawis ang aking mga palad kasabay nang aking paglunok.

Dali-dali akong umiwas ng tingin at nasalubong ang nagpipigil ng tawa na si Jen.

"Oo.." sagot ni Chasey.

"Sure?" tanong pa ni Isaias.

Nakita kong tumango si Chasey kaya napatingin naman siya sa akin, tumaas ang dalawa niyang kilay and I find it hot, oh my god!

Ramdam kong nag-init ang aking pisngi dahilan ng kaniyang pag-ngisi, ang kaniyang adams apple ay nagtaas baba kaya lalo akong namula.

"What?" mataray kong tanong.

"You're so cute," aniya bago kagatin ang pang-ibabang labi.

"Baka naman, mahiya naman oh!" parinig ni Jen.

"Hindi lang ako cute, maganda rin ako!" sabi ko sabay hawi sa buhok.

Natawa pa siya lalo kaya napairap na ako.

Hindi ko talaga alam kung bakit nagustuhan ko ang isang ito, hindi siya ang tipo ko pero may something sa kaniya na hindi ko mawari.

"Confident huh?" anito.

Napa-irap na naman ako dahil doon ko lamang naitatago ang pamumula ng traydor kong pisngi.

Inilapit niya ang kaniyang mukha sa aking mukha kaya agad nanlaki ang aking mga mata kasabay ng lalong pamumula ng aking pisngi, tinitigan niya ang aking labi at nakita ko na napalunok siya dahil sa ginawa niyang iyon.

"Ano ba ang ginagawa mo?" nanghihina kong tanong habang nakatitig sa kaniyang mga mata.

Hinawakan niya ang aking labi at pinunasan ang natirang sauce doon pagkatapos ay diretso niya iyong sinipsip habang nakatingin pa sa aking mga mata.

Napaawang ang aking bibig at pakiramdam ko ay lalabas na ang aking puso sa sobrang lakas ng tibok nito.

"The sauce is delicious, especially it came from your lips.." he smirked before leaving.

Naiwan akong tulala at malakas pa rin ang pintig ng puso, napatingin ako kay Jen na ngayon ay laglag ang panga na nakatingin sa akin.

"What the!" sabi ko bago nagtitili at hawakan ang namumulang pisngi.

Napatingin naman sa akin iyong ibang istudyante gamit ang nawi-wierduhang tingin kaya inirapan ko na lamang sila.

Mga inggit!

Chasey's POV

"Bukas na yung election, hindi ba?" Tanong ni Jen.

Tumango si Alli habang ako naman ay tulalang isinarado ang bag.

"Chasey..." hindi ko alam kung pang-ilang tawag na nila ito sa buong araw kaya agad ko na silang binalingan.

Deceived HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon