CHAPTER 30

114 5 2
                                    

Chapter 30: Elegant

"Ano?" Kumunot ang noo ni Alli. "Sinong...nagpapasabi?"

"Isaias," I pointed at the man behind me.

"Huh? Bakit ako nadamay?" Isaias immediate complain.

"Wag ka na mag-deny.." I said while slicing my steak. "Magsisinungaling ka pa eh.." I whispered.

"Guys, can we eat first? Pwede naman mamaya 'yan, manners naman. We're in a middle of dinner." Sabat ni Daphne at napailing.

Nagkuhanan na ang mga boys ng kani-kanilang mga plato at pagkain. Dahil nga hindi kami kasya rito sa lamesa ay sa Sala nalang kumain ang ibang mga boys. Ang iba naman ay napag-tiisang tumayo nalamang malapit sa amin.

Pagkatapos namin kumain ay nagsi-upuan na ang lahat ng girls sa Sala. Since Aldrin volunteered na silang mga boys na raw ang magliligpit at mag-uurong, hinayaan na lang namin.

Pinanood namin silang lahat na magsi-kilos. Ang cute lang, mukha silang mga house husband.

"Nag-volunteer ka pa kasi..." rinig naming bulong ni Aru kay Aldrin.

Mabilis na tumaas ang kilay ko. Napatingin ako sa girls at tila ganoon din ang kanilang naging reaksyon sa narinig.

"May nagrereklamo ba?" Masungit na ani Megan.

"Ha?" Sabay-sabay na sabi nila at humarap.

Mabilis na umiling si Aru. "W-wala! Sus nakaka-enjoy nga.."

"Iyong kwarto namin, baka gusto niyo ring linisin-"

"Hindi na, uuwi na kami after nito eh.." Rael cutted Via off.

"Huh? I thought you want to sleep here?" Inosenteng tanong ni Nathan.

"Huh? Si Kian 'yon!" He threw a dirty towel to Nathan.

"Anong ako? Wag niyo ako idamay, nanahimik ako eh.." sagot naman ni Kian habang inaayos ang mga kasangakapang inurungan ni Zastin.

"Chaos. Chaos. Chaos." Inis na sabi ni Daphne.

"Ano nang gagawin natin?" Tanong ni Rexan.

"Matulog?" Suhestiyon ko.

All of their expressions changed. I immediately closed my mouth in shame.

I just want to sleep. Because I know I will have trouble sleeping later. Or worst, hindi ako makakatulog. Iisipin ko na naman buong gabi ang lahat. Lahat ng mga nangyari. Lahat lahat.

"Maaga pa, ano ka ba naman!" Pinalo ako ni Alli sa balikat.

"I know, suggestion ko lang naman. Pero if you want to watch some movies, go to night market, or play a games it's totally fine. I'll join!" Ngumiti ako nang pagka-laki laki.

"Hmm, what if..." nanliit ang mga mata ni Carryle.

"NIGHT MARKET!" Sabay-sabay na sigaw nila.

Oh gosh..

"Anong nangyayari?" Takang tanong ni Isaias habang nagpupunas sa kaniyang bimpo. Mukhang tapos na sila sa paglilinis.

Naglapitan na silang lahat sa amin. Ang iba ay umupo sa sahig habang ang iba naman ay nanatiling nakatayo.

"We will go to night market," ani Megan.

"Oh..." Raib whispered.

I strained my head to see where he was. And there he is, behind me. Tho, he's not looking at me, instead he's chuckling. Mukhang nakikinig sa sinasabi ni Aldrin.

"Inom tayo sa birthday mo.." rinig kong bulong ni Aldrin.

"Woah, kala mo matibay pagdating sa inuman ah?" Anaman ni Rael at tumawa nang mahina.

Deceived HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon