CHAPTER 21

436 12 7
                                    

Chapter 21: Protect

"Kanino raw galing?" Jen asked with a creased forehead.

"Wala, hindi ko kilala. Baka nahulog lang..." agad kong sagot habang umiiling.

Ayokong malaman nila na may isang taong may masamang balak pala sa akin, baka kasi mamaya ay madamay pa sila at 'yon ang iniiwasan kong mangyari.

Nilamukos at pinunit ko ang sulat bago ito pabatong itinapon sa kung saan. Agad naman silang nagulat sa ginawa ko.

"Bakit mo pinunit?" Tanong ni Alli habang nakatingin sa papel na ngayon ay sinasagasaan na ng mga kotse.

"Wala lang 'yon-"

"Then why did you crumpled it nga?" Biglang singit ni Megan na mukhang nagdududa na.

"What? Nilamukos ko lang 'yung sulat, is it a big deal?" Napaiwas ako ng tingin sa kanila.

"It is. Una, whether walang meaning 'yung sulat or meron, hindi mo 'yon basta basta lalamukusin, Chasey.." ani Daphne at humalukipkip. "..So tell me, what's in the inside? May kailangan ba kaming malaman?"

Oh come on! Are they suspecting me now?!

"Basta ako, ayoko kita pagdudahan ha? Pero 'yung mga galaw mo na 'yan kaduda-duda.." Megan sighed.

"Nilamukos ko lang 'yung papel for god sake! Ano ba'ng problema niyo?!" My eyes grew bigger. Hindi ko na mapigilan ang sarili ko sa galit.

Oh God!

Nililigtas ko na nga sila sa mga kapahamakang maaring mangyari sa kanila tapos in the end of the day ay ako pa rin ang mali?

"Wala kaming problema! It's just that!" Umiling si Megan bago napabuntong-hininga. "Sana lang ay wala kang kinalaman sa pagkawala ni Rexan.." inirapan niya ako at padabog na pumasok sa Van ni Aldrin, agad naman sumunod sa kaniya si Daphne.

Napakunot ang noo ko.

What did she just say? A-ako? May kinalaman sa pagkawala ni Rexan?

So ano? Tuwing may mangyayari sa 'min ay ako agad ang paghihinalaan? What kind of fucking mindset is that?

"We have so many problems right now, can we stop fighting for a while?" Ani Dea na mukhang sinusubukang pagaanin ang atmospera sa aming paligid.

"Ay ewan ko ba diyan sa mga 'yan, bangayan nang bangayan.." sinundan ko ng tingin si Carryle na umalis at pumasok na rin sa Van.

It's my fault. Again..

Napa-buntong hininga nalamang ako bago napatingin sa nagdidilim ng kalangitan. Mukhang uulan pa yata. Ang mga istudyante sa loob ng GHS ay namataan na rin naming nagsisipasukan sa kani-kanilang mga classrooms.

"I heard may kumakalat kang humor, Chasey.." napayuko si Via at mukhang problemadong problemado. "A-are you pregnant?"

"Via!" Biglang sigaw ni Raib.

W-what?

"I'm just asking, Raib...ang bilis kumalat..kanina lang 'to eh.." napakagat labi si Via.

"Hindi ako buntis! Jusko naman! Saan galing 'yang issue na 'yan?!"

Hinilamos ko ang mga palad ko sa aking mukha at pinigilan ang namumuong galit sa aking dibdib.

I feel like I'm going to explode at any moment.

"Sabi ng mga istudyante sa GHS, kalat na kalat na 'yong issue kaya hindi malayong nakarating na 'to sa Tita mo. Nagsimula ata 'tong issue sa SHS.." tinignan ako nang diretso ni Via sa mga mata habang nagsasalita.

Deceived HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon