CHAPTER 10

453 15 32
                                    

Chapter 10: Tinola

Chasey's POV

Niyakap ko ang aking sarili dahil sa lamig na dumadampi sa aking balat.

Nandito ako ngayon sa balkonahe ng kanilang mansiyon dahil inaya ako rito ni tita Ryella pagkatapos kong tumulong kela Alli at ayusin si Raib sa kaniyang kwarto.

Siguro naman ay mahimbing na ang tulog ng isang iyon..

"I forgot to congratulate you nga pala for being the President of the SSG officers," Tumawa siya bago niya ako tignan. "Congrats!"

Nakasuot siya ng isang black silk pajamas habang may hawak na baso ng gatas.

I smiled. "Thank you po..."

"Are you drunk?"

Gulat akong napatingin sa kaniya kaya siya natawa.

"M-medyo po," kinakabahan kong sagot, tumango naman siya.

Sandaling namayani ang katahimikan sa aming pagitan ngunit agad rin naman niya itong pinutol.

"How old are you again?" Tanong niya bago sumimsim ng gatas.

"17 po..."

Tumango muli siya bago bumuntong-hininga. "In that age, I also met my one and only, sounds cringe but that's the truth. Bruce is the kind of man who will sacrifice his everything just for the people he loves the most.." Saad niya kaya agad akong namangha. "At kela Raib, si Raib lang...ang sa tingin ko ang tanging nakamana niyon."

Napalunok ako bago napatango. Siya naman ay napatingala sa madilim na kalangitan.

"As his mom, I witnessed how he skippped his classes para lamang may kalaro si Ryson..."

Napa-kunot ang aking noo bago napatingin sa gawi kung saan ang kwarto ni Raib.

Nagawa ng mokong ang mga bagay na 'yon? Parang hindi kapani-paniwala..

"Nasubaybayan ko rin noon kung paano siya nagpaka-puyat para lang patulugin si Rylie kahit na alam niyang obligasiyon naming gawin ang mga bagay na iyon..." pinunasan niya ang takas na luha sa kaniyang mga mata bago bumaba ang tingin sa akin. "I just want to say na, ngayon ko lang siya nakitang nagka-ganito sa isang babae bukod sa amin na pamilya niya..." tumatangong sabi niya.

"Ano pong ibig niyong sabihin?" Nakakunot ang noo kong tanong.

"Don't hurt him, alright?" Nakangiti niyang tanong. "Para sa kaniya...para kay Raib.."

Wala akong naging reaksiyon kaya agad niyang hinawakan ang magkabila kong kamay.

"His ex will be back here in the philippines...at may planong makipag-balikan kay Raib." Huminga siya ng malalim bago ngumiti ng tipid. "Kahit anong mangyari, please...huwag mong hahayaan na maging sila muli."

"S-sige po."

Tumango ako kahit na hindi ko alam kung paano ko yun gagawin. Hindi ko rin alam kung paano ko iyon sisimulan.

Pumasok na si tita Ryella sa loob kaya naman sumunod na rin ako.

Kinaumagahan ay agad akong nagising sa sunod sunod na pag-tunog ng aking cellphone kaya agad ko iyon kinuha at sinagot...

[Where are you?! Bakit hindi ka umuwi?! Bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag ko sa'yo kagabi?!]

Napa-pikit ako sa sobrang lakas ng boses ni kuya kaya agad ko iyon pinatay at muling pumikit upang matulog.

Ang aga aga eh...

Tumunog ulit ang aking cellphone kaya hindi ko iyon sinagot sa pag-aakalang si kuya Jim na naman ang tumatawag ngunit agad akong napatayo nang makitang si tita Zarmela na pala iyon.

Deceived HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon