CHAPTER 18

361 14 1
                                    

HAPPY NEW YEAR!

Chapter 18: Court

"Oh, hi there..nice to see you all here." Aravella smiled devilishly.

They are all wearing a same light gray shirt and a royal blue jogging pants.

"Hi, Aravella...it's not nice to see you.." nakangiwing siyang pinasadahan ng tingin ni Daphne mula ulo hanggang paa.

"Hello mga Silverians! Nice to meet you all! Huwag n'yo nalang kausapin 'yang mga taga-section A namin, nagka-away away kasi sila.." ngumiti pa ng sobrang tamis si Siennah na animo'y sobrang bait nito.

She even went to them and blocked our sights.

Tama nga ang kasabihang, hindi lahat ng plastik ay sa basurahan matatagpuan, kasi minsan ay nasa harapan mo na.

"Nice, ang bastos..." narinig kong ngumisi si Joaquin.

"Hanggang ngayon nagtataka pa rin ako kung pa'no ka na-inlove d'yan.." Rael chuckled, referring to Raib.

Tumingin muna sa 'king gawi si Raib bago ito sumagot, tinatantya siguro kung ano ang aking naging ekspresyon sa sinabi ni Rael.

"Wala pa 'ko sa tamang pagi-isip n'on, and I regret everything I did back then."

Ay, weh?

Namataan ko si Miss Linuenco na naglalakad patungo sa amin kasama ang tatlong lalaki na mukhang trabahador dito sa Anawangin.

"Ayos na ang mga tent na gagamitin n'yo, 10-A." Napatingin siya kela Aravella at agad kumunot ang noo. "Anong ginagawa ng mga taga-SHS dito?"

Ano pa ba? Edi manggulo...

"Dito rin po ata ang camping nila," sabi ko bago pagsiklupin ang buhok kong nililipad ng hangin.

Tumango tango si Miss Linuenco habang nakatingin pa rin sa kanila. Nawala lamang ang tingin niya sa mga 'yon nang tinawag siya ng adviser ng 10-B.

"Mag bonfire kaya tayo mamaya?" suhestiyon ni Alli.

"Tapos truth or dare," pumalakpak si Dea.

Walang nagsalita ni isa sa amin kaya tumahimik nalang din sila. Ramdam na ramdam ko pa rin kung gaano na kami kailang sa isa't isa.

Should I say sorry? But...hindi naman ako kasali, nadamay lang. But I'll try.

Naglakad na kami palayo kela Siennah upang puntahan ang mga tent na binuo nila Miss Linuenco para sa amin. Dalawa dalawa sa kada tent at ang makakatabi ko ay si Jen. Si Alli naman ay si Eljey, si Via ay si Rexan, si Daphne ay si Megan, at si Dea ay si Carryle.

Sa mga lalaki naman ay si Raib at si Rael ang magkasama sa iisang tent, si Aldrin at si Nathan, si Isaias at si Oliver, si Aru ay si Kian, at si Joaquin naman at si Zastin.

Pagkalagay ko ng aking mga gamit sa aming tent ay nagbihis na ako ng mas kumportableng damit. I'm now wearing a white backless summer dress and a beige floppy hat.

My hair was blowned by the wind as I walked elegantly at the seashore. Agad tumabi sa 'kin si Via.

"Uy, sorry kanina..."

Tinignan ko siya habang nakakunot ang noo. "Para saan? Tsaka bakit sa 'kin? Wala ka namang ginawang masama."

She shrugged her shoulder. "I just think, ako ang dahilan kung bakit nagka-away away."

Mukha na siyang iiyak dahil hindi malaman kung ano ang gagawin. Inakbayan ko siya at sabay naming pinanood ang payapang mga alon ng dagat.

"No one is to blame. Sadyang may sari-sarili lamang tayong opinyon sa bawat bagay at 'yon ang naging dahilan ng hindi natin pagkakaunawaan." Mahaba kong sabi.

Deceived HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon