CHAPTER 2

695 24 3
                                    

Chapter 2: Hide Outs

Chasey's POV

"Anak..."

Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata at agad napabangon sa nakita.

"Mama?"

"Anak...halika rito," ibinuka niya ang kaniyang mga braso habang nakangiti.

Hindi na ako nagsayang pa ng oras at agad tumakbo palapit sa kaniya upang mayakap ito, namiss ko sila ng sobra.

"Mama..asan nga pala si Papa?" nagtataka kong tanong bago napatingala sa maamo niyang mukha.

Excited na ako dahil ang sinabi kahapon ni Papa ay may surprise raw siya ngayon para kay Mama pag-uwi nila dito dahil Wedding anniversary nila ngayon.

Her tears rolled down in her cheeks but she immidiately wiped them away. Agad napakunot ang aking noo sa pagtataka.

"Anak...P-patay na ang Papa mo," aniya at hindi na napigilan ang mapahikbi.

Naestatwa ako sandali at ng makabawi ay agad sunod sunod ako napa-iling.

Hindi...hindi totoo yon, hindi pwedeng mamatay si Papa, hindi niya kami kayang iwan. May pangako pa siya sa 'min at alam kong tutuparin pa niya 'yon!

"Mama, hindi ba at magkasama kayo sa eroplano? p-paano siya namatay? M-may nangyari ba?" sunod sunod kong tanong habang pinipigilan ang pagluha.

"Bumagsak ang eroplano na sinasakyan niya, Anak. Nauna siya dahil sinabi niyang may aasikasuhin pa raw siya at sa kasunod na eroplano nalang raw ako sumakay, pero nag crash ang eroplano na sinasakyan niya..." agad niya akong niyakap habang patuloy na umiiyak. "Hindi ko na alam ang gagawin ko anak, hindi na dapat ako pumayag sa gusto ng Papa mo.."

"Mama...alam nyo ba kung bakit gustong maunang umuwi ni papa dito?"

"Bakit?" humiwalay siya sa akin bago napa-kunot ang noo, ang luha ay patuloy pa ring umaagos sa kaniyang pisngi.

Huminga ako ng malalim at pinigilan ang mapa-hikbi. "Kase may surprise siya sayo."

Lalo pang napa-iyak si Mama sa narinig. Hindi ko naman mapigilan ang mahawa dahil purong sakit ang dahilan ng kaniyang pag-iyak.

"Happy Anniversary, Mama at Papa.." bulong ko bago tumulo ang aking luha.

Nandito ako ngayon sa harap kanilang puntod dahil ngayon ang araw ng death at wedding anniversary nila. Sabay 'yon kaya mas masakit. Pinalis ko ang luhang lumandas sa aking pisngi bago ilagay 'yong pumpon ng bulaklak sa kanilang harapan.

Binasa ko ang mga nakasulat.

In Loving Memory of
Chase Benjamin I. Verzollano
Sept. 2, 1979- June 11, 2020

Even if your race is over, we will still continue to love and cherish you.

-

In Loving Memory of
Hanyna Alerey G. Verzollano
Feb. 2, 1980- June 29, 2020

"How people die remains in the memory of those who live on"
~Dame Cicely Saunders.

After a weeks noong nalaman naming patay na si Papa, namatay naman si Mama dahil sa depression. Hindi niya na kinaya ang sakit kaya hindi rin siya halos kumakain nang ilang linggo na 'yon, nakakulong sa kwarto at tila may isang parte sa kaniya ang nawala. I fucking hate that time because I felt that everyone who loves me, has left me completely...alone.

Deceived HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon