CHAPTER 15

386 13 3
                                    

Chapter 15: Mess

"Silver High School?" Nakakunot ang noong ani Carryle habang ngumunguya ng burger.

Tumango yung Tripper. "Yeah.."

Aksidente siyang napatingin sa akin at agad umawang ang mga labi. Kulang nalang ay tumulo ang kaniyang laway.

"What's your name, beautiful lady?" Tanong nito.

"Ang gwapo, type ka ata..pero kung ayaw mo...sa 'kin nalang, ha?" Bulong ni Alli nasa aking tabi bago humagikhik.

"Tumigil ka nga.." saway ko sa kaniya.

"Mind if I sit here?" Nagulat ako dahil nakapunta na agad siya dito.

May lahi bang ninja ang isang 'to?

"Ay, eh may nakaupo kasi d'yan eh, nag-cr lang.." tukoy ni Alli kay Eljey. "Kung gusto mo, ako nalang ang lilipat ng pwesto.."

Tumayo na si Alli kaya agad siyang pinigilan ni Tripper.

"No, Miss...it's okay, hindi mo na kailangan lumipat-"

"Sige bye!" Putol ni Alli sa kaniyang sasabihin bago mabilis na lumipat sa pwesto nila Carryle.

Bumaling si Tripper sa akin bago napakamot sa kaniyang batok, namumula.

"I'm sorry..." aniya.

"It's okay, upo ka.." sabi ko bago pagpagin 'yong upuan na nasa aking tabi.

Umupo na siya pagkatapos ay nagpangalumbabang tumingin sa akin.

"So, what's your name?" Tanong niya.

"Chasey.." tipid kong sagot.

He's gwapo, yes. Ang kaniyang buhok ay may hati sa gitna tulad ng mga lalaking nasa kdrama at ang mga mata naman niya ay parang laging nang-aakit kung makatingin.

His eyes twinkled. "I'm glad we met, Chasey.."

Biglang nasamid si Jen na nasa aming harapan dahil sa narinig  kaya agad siyang napainom ng tubig.

"Sorry, sige tuloy n'yo lang.." ani Jen bago napangisi ng pilit.

Napabaling ulit ako kay Tripper na ngayon ay hindi pa rin napuputol ang titig sa akin.

"Do you have a boyfriend?" Prangka niyang tanong.

I shooked my head. "Wala.."

"Hmm, nice.."

Napatingin siya sa labas bago napanguso. Ako naman ay kumagat na sa burger na hawak ko bago uminom sa inorder kong matcha milk tea.

"Kasama ko nga pala yung mga classmates ko, nasa labas sila." Sabi niya bago muling tumingin sa akin.

Hindi siguro sila makapasok dahil nga medyo puno na itong Yolo Retro dahil sa 'min. Tumayo na ako kaya napatayo rin si Jen.

"Oh, san ka pupunta?" Tanong ni Eljey na kararating lang.

"May mga kasama daw kasi siya sa labas na kakain din dito...kaya, itake out nalang 'to para sila naman ang makaupo." Sagot ko habang nagliligpit.

Nagsimula na rin ang iba na magtayuan at hagilapin ang kanilang mga inorder nang nakita nilang gano'n ang ginagawa ko.

"No need, Sey.." pigil sa akin ni Tripper. "Nakapag-take out na kasi kami, and we decided na sa isang park nalang kami kakain, iniintay nalang nila ako."

"Ganun ba?" Medyo malungkot kong tugon bago tumango. "Sama nalang kaya kami?"

Ay bobo. Wrong move.

Pero huli na ang lahat dahil lumiwanag ang kaniyang mukha. "Talaga? O edi sige, tara na."

Deceived HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon