CHAPTER 19

358 8 0
                                    

Chapter 19: Intramurals

"All you have to do is to find the flags that were tied in each of the tree that you would see inside this Forest. Hinati na namin sa dalawa ang kagubatang ito. May makikita kayong dilaw at pulang linya. Ang dilaw na linya ay sa 10-A habang ang pula naman ay 10-B. Wala dapat lalagpas sa linya dahil may bukod na mga flags ang dalawang grupo, tatlong flags kada kulay ang ikinalat namin. We have blue, red, orange, violet, yellow and green..." tinignan niya kami isa isa at naabutang nagdadaldalan lamang sila Siennah at Tricia.

"Naiintindihan niyo ba?!" Pahabol na sigaw ni Miss Linuenco upang mapunta ang lahat ng atensiyon sa kaniya. "Nakausap ko na 'yong Adviser ng mga taga-SHS at sinabing hihiwalay nalang daw sila ng laro. Now, move!"

Well, should I say good news? Na hihiwalay na ang mga taga-SHS? Tsk, my classmates will probably celebrate.

Napatingin kami sa mga taga section B at naabutang nakatingin sila ng masama kay Miss Linuenco. What the hell? Sila na nga ang hindi nakikinig tapos ay si Ma'am pa ang nagmumukhang masama sa kanila?

"This Siennah Xavier is really getting on my nerves!" Ramdam ko ang gigil ni Megan nang sinabi niya 'yon.

She's right though..

"May gana pa talagang tumingin ng masama eh hindi naman siya istudyante ng GHS.." bulong bulong din ni Carryle sa isang tabi.

"Hayaan niyo nalang, may araw din 'yang isang 'yan.." wika ko nalang at nagsimula nang maglakad.

Since the yellow line is on our left side we immediately went inside it. Sobrang dilim na dito sa Anawangin at tanging buwan nalamang ang nagbibigay liwanag sa aming dinadaanan. Dalawa lang din yata ang may hawak sa 'min ng flashlight, hindi pa maayos maghawak.

"Can you hold the flashlight properly, Aru?" Reklamo ni Megan dahil sa hindi mapirming hawak ni Aru sa flashlight.

"Baka magsimula na naman kayo ng away ha," napangisi si Oliver.

"We should focus on the flag, remember? binigyan lang tayo  ni Miss Linuenco ng hanggang alas-sais ng umaga..." Wika ko habang magaang naglalakad.

We should be careful, yet faster. Or else we're doomed. Narinig ko kasi na, may mga kung ano anong klase raw ng hayop dito...

"Ang rinig ko ay lima ang kulay ng mga flags na ginamit. Red, Yellow, Green, Blue, Violet at Orange.." ani Via na nasa unahan katabi ko.

"Baka para sa intrams next week?" tanong ni Carryle.

She's right. Baka nga pang-intrams since next week na rin 'yon.

"Nakakuha na ako, kulay Blue!" Sigaw ni Kian.

Agad tumapat ang dalawang flashlight sa kaniya kaya napapikit siya dahil sa pagkasilaw. Hawak hawak niya ang hugis tatsulok na flag at kulay asul nga ito. Is that Math Club?

"So if we have 6 colors and 3 students will have each of it...the total of the flags scattered here is-"

"18.." Jen cutted Daphne.

"And we are 20, how come na 18 lang ang flags na ikinalat dito?" Ani Isaias at iginala ang paningin.

Natahimik kaming lahat at napa-isip. Isaias has a point, but maybe Miss Linuenco did something which she didn't explain and we will only know it, if we will look for it..by ourselves.

"Maghanap nalang muna tayo, mamaya na natin itanong kay Miss ang lahat ng katanungan natin. Baka may hinanda siyang plot twist, knowing her...she will gonna do it, for fun." Medyo ngumisi ako.

Deceived HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon