CHAPTER 4

559 21 2
                                    

Chapter 4: Extreme Hoops

Chasey's POV

"Raib, lets go shopping," sabat ni Daphne bago lumingkis sa braso nito.

Raib sighed in frustration before facing her.

"Hindi pa uwian, Daphne."

"Sige na..please," pinag-dikit pa ni Daphne ang kaniyang mga palad habang nakanguso.

Napabuntong hininga muli si Raib at tinignan muna ako bago hawakan ang isang kamay ni Daphne at hitakin ito palabas ng GHS.

Sinundan ko sila ng tingin hanggang sa pumasok na sila sa isang kotse na sa palagay ko ay pagmamay-ari ni Raib, ako naman ang nakabuntong hininga ngayon...I wonder what will they do inside that car, or even inside the Mall, will they even go their? O baka naman sa hotel na dumiretso ang mga iyon.

"Hoy! Tulala ka na diyan!" pumitik pa si Alli sa harapan ng aking mukha kaya agad akong napatingin sa kaniya.

"Masakit ba, Chasey?" nakangiti ngunit nang-aasar na sabi ni Jen.

"Ang alin?" inosente kong tanong.

"Ang makitang may kasamang babae ang lalaking gusto mo.." aniya bago napatingin sa aking likod.

Napatingin naman kami roon at nakita naming naka-akbay si Rael kay Megan habang nagtatawanan pa.

"Teka lang! Humanda talaga sa akin iyang Rael na yan!" ani Alli bago iabot sa akin ang kaniyang bag.

Agad namin siyang pinigilan sa braso sa pagtatangkang pagsugod niya sa mga ito. "Kalma lang, Alli," si Eljey.

"Paano ako kakalma? Sige nga?" ani Alli sa pasigaw na tono.

"May sarili siyang buhay, he can do whatever he wants, gusto niyang lumandi? Edi go! Gusto niyang makipag-yakapan? Edi go! Gusto niyang sumama sa Mall kasama ang isang babae? Edi go! Bahala siya sa buhay niya!" sabi ko bago pa-irap na umiwas ng tingin.

Napansin kong natahimik silang tatlo kaya agad ko silang tinignan, naka-awang ang bibig ni Alli habang ang dalawa naman ay nakakunot ang noo.

"May pinatatamaan ka bang iba?" nagtatakang tanong ni Alli.

"Ako? Wala noh!" sabi ko bago ibalik sa kaniya ang bag.

"Eh hindi naman pupuntang Mall sila Rael eh, diyan lang sila oh!" ani Eljey habang naka-nguso doon sa may fishballan.

Ibinuka ko ang aking bibig ngunit walang lumalabas na kahit anong salita roon kaya napa-kamot nalamang ako sa aking batok, tama nga naman siya, bakit ko ba kasi sinabi iyon.

"Nako, Chasey..." nanliit ang matang sabi ni Alli.

"Nagkaka-gusto ka na sa kaniya noh?" Si Jen.

"Nagkakagusto kanino?" natatawa kong tanong.

"Kay Rai-"

"Tara na, umuwi na tayo!" putol ko sa kaniya bago simulang maglakad.

"Wala ka pa naman sundo eh," Ani Jen habang naghihintay kami sa gate.

Napanguso ako sa katotohanang wala pa nga si kuya Jim, siguro ay may inaasikaso na naman iyon kaya paniguradong male-late ang isang iyon.

"Kumusta, mga hija..." napatingin kaming apat doon sa nagsalita at nang nakitang si Lali iyon ay agad akong napangiti.

"Hello, Lali!" masigla kong tugon.

"Ang gaganda ng mga kaibigan mo, Chi Chi..." aniya habang nakatingin sa tatlo.

Deceived HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon