CHAPTER 11

438 15 17
                                    

Chapter 11: Practice

Chasey's POV

Halos Isang buwan na yata ang nakalipas at masasabi kong...mas lalo ko pa silang nakilala at nakasundo. Madalas ay nagke-kwentuhan kami tungkol sa aming mga sarili at mga paboritong gawin, minsan naman ay may mga araw na may nagkaka-awayan tulad ngayon...

"Ako na sabi ang magbibigay!" Sigaw ni Kian kay Aru habang inaagaw iyong tarpaulin na ididikit sa stage.

"Ako na!" Sagot naman ni Aru sa kaniya.

Nag-batukan pa ang dalawa at walang tigil sa pag-aagawan.

"Tumigil nga kayo! Ang gulo gulo niyong dalawa! Kapag tayo na-office, sasampalin ko kayo pareho." Sabat ni Alli na inaayos naman iyong ibang pwedeng i-design sa stage.

Napabuntong-hininga ako bago kusang lumapit sa dalawa.

"Akin na na, nasasayang ang oras." Sabi ko habang nakalahad ang dalawang kamay.

"Hi Pres!" Bati ni Aru bago iabot ang hawak.

Ngumiti lang ako sa kanila bago tumalikod at pumunta sa stage. Hinawakan ko ang magkabilang dulo ng tarpaulin at tinantya kung kasukat ba ng pagdidikitan.

"You need help?" Tanong ni Isaias na nasa likod ko.

"Uhm, oo sana. Thank you." Sagot ko naman bago iabot 'yong tarpaulin.

Umakyat siya sa hagdan at sinimulan na ang idikit 'yon sa pader. Ako naman ay naka-antabay lang sa kaniya at iniaabot ang mga kailangan niya.

"Tommorow will be a long day.." ani Jen na nililinis ang sahig ng stage.

Napatango ako. Tama siya at baka nga mahaba ang araw bukas dahil may event na mangyayari, kami ang inatasang mag-disenyo para bukas kaya nandito kaming lahat at nagtu-tulong tulong.

"Hindi ko alam kung bakit tayo lang ang inutusan? Nakakahiya naman sa section B na walang ginagawa," anaman ni Alli na nagwawalis ng mga alikabok sa mga sulok.

"Mas okay nga 'yon, kesa naman nagka-klase tayo, 'diba?" Sabi ko nalang bago nagkibit-balikat.

"May point," ani Jen.

Lumipas ang ilang oras at natapos na namin ang lahat ng kailangang naming gawin. Malinis at maganda ng tignan ngayon ang stage dahil mayroon na itong mga disenyo na naayon para bukas.

"Jen.." tawag ko sa kaniya. "Pahiram ako ng panyo, sasauli ko nalang bukas."

Tumango siya at iniabot 'yon sa 'akin, kailangan ko lang talaga at pawis na pawis ako, nakalimutan ko pa naman ang aking panyo sa bahay.

"Excited na ako!" Alli giggled.

Nagligpit muna kami bago bumalik sa aming Classroom. Naabutan naming nasa table na ang aming Mapeh teacher kaya nagsi-upuan na kami at nakinig sa pagtuturo niya.

Mabilis lang 'yon natapos ngunit pakiramdam ko ay pagod na pagod na ako lalo na at sa section daw namin kukuha ng mga kakanta para sa Tawag ng Tanghalan na gaganapin bukas.

Nagform kami ng isang malaking bilog para makapag-usap usap.

"Duet kaya? isang babae at isang lalaki, tapos sila Isaias ang tutugtog." Suhestiyon ni Via.

Napatango tango ang ilan habang ako naman ay kumunot ang noo.

"Sila Isaias?" Taka kong tanong, napatingin ako sa gawi nila at nagtaas ng kilay. "Sanay ka tumugtog?"

"Uh-"

"Oo, diba? Sila ang members ng Hexa Band!" Sabat ni Megan.

Hexa Band?

Deceived HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon