CHAPTER 12

386 13 4
                                    

Chapter 12: Panaginip

Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata. Puting kisame ang agad sumalubong sa aking paningin. Napalingon din ako sa dextrose na nasa aking gilid pababa sa aking kamay.

Anong ginagawa ko rito sa Hospital?

Iginala ko ang aking mga mata at naabutan kong natutulog sa sofa si tita at sa baba naman niya ay may nakalatag na higaan kung saan si kuya Jim naman ang nakahiga.

Bumukas ang pintuan at nakita kong pumasok si Zairis, lumaki ang kaniyang mata sa gulat at patakbong lumapit sa akin.

"Oh my god! Chasey!" Sigaw niya at tumakbo upang yakapin ako.

Nagising na rin si tita na ngayon ay pinapaulanan na ako ng mga tanong kung ayos lang daw ba ang aking pakiramdam.

"Opo, ayos lang po ako...b-bakit po pala ako nandito?" Tanong ko.

"Hindi mo natatandaan? 2 years ago, na-aksidente ka kaya ka na-comatose.." ani Zai bago ilapag ang mga dala niyang prutas sa lamesa.

Ano?

"Comatose? Pero..."

Sandali akong natahimik at inalala ang nangyari kagabi.

"Comatose ka na for about 2 years.." nakatulalang ani Tita.

2 years?! T-teka, hindi naman ata pwede yun!

"This is a joke right?" Natatawa kong tanong.

Pero agad ding napawi ang ngiti sa aking labi dahil walang silang sinagot at nanatiling nakatingin lamang sa akin, walang reaksiyon.

Pero papaano?! Fresh na fresh pa nga sa aking utak ang mga pangyayari kahapon, kung paano kami pumunta ni Raib si Philam Park para mag-practice ng aming kakantahin para bukas...ang pagpost niya sa fb at pagcomment ng mga kaibigan namin doon.

No, I think this is just a prank.

Hinugot ko ang dextrose na nakatusok sa aking kamay at agad tumayo. Nagulat sila sa aking ginawa kaya agad nila akong pinigilan sa pagtatangka kong umalis.

"What the hell are you doing?! Hindi ka pa magaling, baka mapano ka!" Namumulang sabi ni Zai bago ako hawakan sa aking pulso para pigilan sa kung ano man ang balak kong gawin.

"Prank to, Zai..." mataman kong sabi.

Umiling siya, dahilan ng agarang panggigilid ng luha sa aking mga mata.

"No! Hindi 'to totoo!" Nagsimula na akong magwala.

"Zai! Tumawag ka ng Doctor! Ako ng bahala sa kaniya.." ani Tita sabay hawak sa akin.

"Tita please..." mangiyak ngiyak kong pagmamakaawa.

Isang buntong hininga lamang ang kaniyang sinagot bago umiwas ng tingin.

Nagmamadaling lumabas si Zai at pagbalik niya ay may kasama na siyang isang babaeng doctor na sa tingin ko ay kasing edad lamang ni Tita.

"Doc, ano po ang nangyayari sa kaniya?" Kinakabahan na tanong ni Tita.

Tumigil na ako sa pagwawala at ngayon ay nakatulala na lamang ako sa sahig habang tuloy tuloy pa rin  pag-agos ng luha.

"Sa tingin ko ay nabigla lamang siya sa nangyayari.." ani Doc. "I will inject her with sleeping pills for the mean time, pagkatapos ay kakausapin ko kayo sa labas for the further informations."

May inilabas siyang injection at dahan dahan niya iyong tinurok sa akin. Ilang minuto lang ay naramdam ko agad ang unti unting pagbigat ng talukap ng aking mga mata hanggang sa tuluyan na akong nilamon ng antok.

Deceived HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon