CHAPTER 1

980 20 1
                                    

Chapter 1: Love

Chasey's POV

"Your future."

My jaw dropped and I immediately blushed in the awkwardness that he created, at halos tunog nalang ng bentilador ang naririnig namin pati narin ang ingay sa labas ng aming classroom.

Tinignan ko siya na para bang nagtataka dahil hanggang ngayon ay nakatitig parin siya sa akin habang ako ay halos ma-estatwa na rito.

Ngumisi siya bago itinama ang kaniyang sinabi. "Your future Engineer."

Nakahinga ako ng maluwag sa idinugtong niyang iyon, akala ko ay kung ano na ang ibig sabihin niya kanina. At isa pa, sino ba siya at kung maka-asta ay akala mong kilala ko siya.

He winked at me before going back to his sit.

"Kadiri..." mahina kong bulong.

Sunod-sunod na ang nagpakilala ngunit wala akong natandaan ni isa man lang sa kanila, paano ay naiinis pa rin ako sa lalaking nasa bandang kanan ko. Walang pumapasok sa utak ko. It's now my turn kaya naman tumayo na ako.

I smiled blithely. "I'm Chasey Briella Verzollano."

Napa-kurap kurap pa ako bago napawi ang aking mga ngiti dahil sa katahimikang iginawad nila sa akin, b-bakit? May nasabi ba akong mali?

"Ma'am may I ask her?" tanong ng isang babae habang naka-taas ang kamay, kung hindi ako nagkakamali ay ito yung kaninang may sumpak sumpak na lollipop.

Tumango si ma'am. "Yes you may.."

What the hell?

Bakit kailangan pa magtanong? Ano 'to pageant?

She cleared her throat. "Are you easy to be fooled?

"Miss Bonifacio! What kind of question is that?" saway sa kaniya ni Ma'am.

Natahimik ako bago napalunok. Yeah, ma'am is right, what kind of question is that? Nanliit ang mata ko habang nakatitig sa kaniya.

"What? I didn't do anything wrong, I'm just asking, ma'am.. you know..." aniya at umirap pa.

Why do I feel something about her? Like, she has this queen bee vibes? maybe because of her aura? Hay, bahala na.

Yumuko nalang ako dahil sa kahihuyan at dire-diretsong tumungo sa aking pwesto.

Miss Linuenco is our adviser and our English teacher too, she started the discussion like this is just a normal days, like the heck? Sa pagkakatanda ko kasi ay hindi naman ganito sa ibang paaralan, sa iba pa nga ay wala naman ginagawa sa unang araw ng kanilang klase.

Nang natapos ang klase niya sa amin ay lumabas na siya kasabay ng pagtayo ng aking mga kaklase upang mag-usap usap.

Napanguso ako at pinuntahan nalang si Isaias sa kaniyang pwesto, I hate being lonely. Nakikipag-kwentuhan ito sa isang lalaking may dimples at naka-salamin.

Napatingin sila sa akin. "Oh, may problema ba?" tanong ni Isaias.

Umiling ako. "Wala akong kaibigan dito kung hindi ikaw, ang boring kaya kung mag-isa lang ako doon," tinuro ko pa ang aking pwesto.

Napatango tango siya at ilang minuto lang ay umaliwalas ang kaniyang mukha na para bang may naisip siyang maganda.

"Jen!" tawag niya sa isang babae kaya napatingin ako doon, nakikipag-kwentuhan ito sa dalawa pa niyang kasama.

Hanggang balikat lang ang itim nitong buhok at tumaas ang dalawa niyang kilay na animo'y nagtataka.

"Tara lang dito, may papakilala ako sa inyo.." dugtong pa ni Isaias.

Deceived HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon