CHAPTER 17

373 7 0
                                    

Chapter 17: Camping

"Ma'am.." hinihingal na tawag ni Alli. "bakit po may mga bus doon sa labas?"

Agad napatingin si Miss Linuenco sa 'min, kasalukuyan siyang nagaayos ng mukha at mukhang naghahanda. She wasn't wearing the GHS's faculty uniform, and wearing only a white simple t-shirt paired with black fitted pants.

Pagkatapos kasing umalis kanina nila Lali ay umalis na rin kami roon sa park at dumiretso na agad dito. We saw about two buses parked infront of our gate kaya nagmadali kaming tumakbo kay Miss Linuenco para malaman kung anong mayroon.

"Uh, hindi niyo ba nabasa ang announcement ni Dean kahapon? Naka-post sa facebook 'yon.." si Miss Linuenco.

Nakapost sa facebook? Dali dali naming kinuha ang aming mga cellphone at agad tinignan 'yong page ng GHS. And as I saw the announcement, my classmates immediately screamed in so much excitement.

Golden High School Page:

ANNOUNCEMENT!!

Goodmorning, Goldenbeebees! Tommorow, Tuesday, September 14, 2021...the grade 10 section A and B will be having a camping which will held in Anawangin Cove in San Antonio, Zambales. Students from the both sections should be here at the GHS at exactly 9:00 am in the morning. Pack your things now and get ready!

"Excited na ako!" Tumili pa si Alli kaya agad ko siyang sinaway.

"Don't tell me hindi pa kayo nakapaghanda ng gamit niyo?" Ani Miss Linuenco habang tinitignan kami isa isa.

"Hindi pa nga po," sabay sabay na sagot naman namin.

Dahan dahang napapikit si Miss Linuenco bago napahinga ng malalim, nagpipigil ng galit. Tinignan niya ang kaniyang relo bago muling bumaling sa amin.

"Sige, papayagan ko kayong umuwi tutal ay 8:06 palang naman, bilisan niyo ha, pack only the important things. Baka mamaya ay makakita pa ako ng sangkaterbang skin care d'yan sa mga dadalhin n'yong bag ha, sinasabi ko lang sa inyo grade 10." Sandali pa niya kaming pinasadahan ng tingin bago tuluyang lumabas ng classroom.

Naghiyawan ang ibang kong mga kaklase habang ang iba naman ay nagkaniya kaniya na ng kwentuhan sa kung ano ang gagawin nila roon sa camping.

"Ano kayang magawa do'n? Mag-ala tarzan? Um-acting na parang nasa Encantadia? Or-"

"Shut up, Alli.." saway ni Jen sa kaniya bago tumayo.

Kinuha ko na ang aking bag at tumayo na rin. Nagulat naman ako nang ganun din ang ginawa ni Raib kaya taka ko siyang tinignan.

"Uh, I will drive you home," aniya.

"Aww, sana all pinagda-drive. Ako kasi hindi eh..." malungkot na sabat ni Alli.

"Ako nga hiniwalayan ng walang dahilan eh, nagsalita ba ako?" Si Jen bago napairap. "By the way, maniningil kami ni Rael ng tig-200 para daw sa camping..." pagkatapos ay tumingin siya kay Rael. "..Ikaw na maningil dito, ako na sa kabila."

"H-huh? A-ako na don, ikaw na dito.." namumulang sagot ni Rael.

Tumaas ang aking kilay habang nakatingin sa kaniya, nagpabalik balik ang tingin ko sa kanilang dalawa ni Jen at sa aking palagay ay ganoon din ang ginagawa ngayon ng aking mga kaklase.

"At bakit?" Humalukipkip si Jen.

"U-uh, malayo pa ang lalakarin mo kung ikaw ang pupunta doon-"

"So? Pake mo?" Lumamig ang tingin sa kaniya ni Jen.

Should we...expect a world war III?

"Hep! Sige na, ikaw na Jen ang maningil sa kabila.." pigil ni Via sa dalawa. "Ikaw naman Rael, dito..as simple as that."

Deceived HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon