CHAPTER 9

492 16 22
                                    

Chapter 9: Period

Chasey's POV

"Huy! sino yang ka-text mo at mukha kang naglagay ng sangkaterbang blush on sa pisngi?" Nang-aasar na tanong ni Alli bago subukang silipin ang aking cellphone.

Agad ko iyong iniiwas at pinatay bago kinakabahang napatawa.

"Nakakita lang ako ng nakakatawang video sa facebook..."

"Hindi ako na-inform na ngayon pala ay pag natatawa ka na sa ang isang bagay ay dapat kang mamula at hindi matawa..." aniya habang nakataas ang isang kilay. "Wag mo akong lokohin dahil hindi mo ako maloloko."

"Hindi kita niloloko dahil babae ako at hindi lalaki.." Sabi ko bago napagpasyahang tumayo.

"Anong connect?"

Humarap ako sa kaniya. "Dahil lalaki lang ang nanloloko."

Lumakad na ako at nang makarating ako sa lamesa kung saan nakahain ang lahat ng pagkain ay agad akong kumuha ng isang bowl at naglagay roon ng ilang nachos.

"Sinong nanakit kay Chasey? Masapak lang..." malakas na wika ni Alli kaya natawa ang lahat.

Hindi ko na ito pinansin pa dahil ramdam ko ang titig ni Raib sa bawat galaw na aking nililikha.

"Bantay sarado ah!" Rinig kong sabi ni Rael habang tumatawa.

"I will just prevent her from drinking too much alcohol that's why I'm watching her..kung hindi ay magkakaroon na agad ng batang Verzollano." Sagot naman ni Raib.

Padabog kong naibaba ang bowl na hawak ko kaya tumapon ang ibang laman nito, agad rin silang napatingin sa akin.

"Sorry, hindi ko sinasadya..." sabi ko at umiwas ng tingin. "May makalat lang kasi sa tabi tabi..." pahabol kong pabulong na mukhang hindi nila narinig.

'Sino ba kasi ang cleaners tuwing biyernes?'

"What? Chasey?" Takang tanong ni Raib.

"Wala, sabi ko Cr lang ako.."

Ngumiti ako bago dire-diretsong bumaba papunta sa kanilang 2nd floor. Gulat akong napahinto ng mayroon akong narinig na kalabog mula roon sa isa sa mga kwarto kaya agad kumunot ang aking noo.

Nagdalawang isip pa ako kung pupuntahan ko ba ito pero nang makarinig muli ako ng pangalawang kalabog ay hindi na ako nagdalawang isip na puntahan kung saan ko narinig ang ingay.

Malakas kong binuksan iyong pintuan kaya halos mapatalon sa gulat ang babaeng nakaupo sa kama.

"Oh my gosh!" Gulat na sambit ni Daphne habang nakahawak sa kaniyang dibdib.

"Anong...ginagawa mo rito?" Tanong ko.

Inayos niya ang kaniyang buhok bago tumayo at harapin ako. May itinago rin siya sa kaniyang likod kaya agad akong nagtaka.

"Why do you care? This is Raib's room so..." tumaas ang isang kilay niya bago umismid. "Pwede akong pumasok kahit kailan ko gusto."

"So pwede rin kitang sampalin kahit kailan ko gusto?" Tanong ko bago ngumiti.

"Of course not!"

Tumango ako ng dahan dahan bago ikutin ang paningin sa loob. Kulay itim ang kama at kurtina habang puti naman na hinaluan ng kulay abo ang pader. Napatingin ako sa itaas ng kama ni Raib kung saan nay kahoy na nakaukit ng..

'III-VIII-I-XIX-V-XXV'

'What does that mean?'

"Ang meaning niyan ay ako.." napatingin ako kay Daphne nang sinabi niya iyon.

Deceived HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon