CHAPTER 29

115 6 1
                                    

Chapter 29: Birthday

"W-why?" That's the only word that came out from my mouth.

Kasabay nang mariin kong pagpikit ay siya namang pagpatak ng sunod-sunod ko pang mga luha.

Just why?

Mabilis akong tumakbo patungo sa lobby ng Ospital. Marami pa nga akong nabangga dahil sa sobrang labo ng mata ko sa walang tigil na pag-iyak pero wala na akong pakialam. Kailangan kong makita si Haniel. He needs me...

"Hi Ma'am, how can we help you?" One of the nurse in the lobby asked.

"Saan po dinala si Haniel?"

"Full name po?" She asked.

"Han—Haniel Verzollano.." I stuttered and began to wipe my tears.

"Just a minute, Ma'am..." then she walked away.

I waited there for about 20 minutes. And just that, it is said that there's no Haniel booked in this Hospital.

"Papaano hong wala dito 'yung tinutukoy ko? Mapupunta ba kami dito kung hindi rito dinala 'yung kapatid ko?! That's too fucking impossible!" Sigaw ko.

Lintek na Ospital 'to.

"We're really sorry, Ma'am...please don't start a commotion here."

"Don't start a commotion?! Miss 'yung kapatid ko...." I started sobbing again. "Wag niyo naman akong lokohin.."

"We're really sorry, Ma'am..."

I slowly turned my back and saw a lot of people looking at me as if they were wondering what was going on.

God knows how much I want to destroy this irresponsible Hospital just to find Haniel, but I do respect them. Maybe I'll just...wait.

Baka....baka panaginip lang ito...tulad nang nangyari kay Aru..

Naglakad na ako pabalik kaila Lali. Nadatnan kong inaalo pa rin niya si Ma'am Linuenco. I sat on one of the waiting chairs there, one seat apart from them.

"Wala raw Haniel na naka-book dito..." I coldly stated.

"At papaanong nangyari iyon?" Mabilis na tanong ni Lali. I can't see her facial expression but I'm sure that she's confuse.

"I don't know, baka panaginip lang ito-"

"Hija..." putol niya.

Maya-maya lang ay naramdaman kong umupo siya sa tabi ko. I wan't to move but I'm lazy so I stay still.

"Pasensya na...sana ay mapatawad mo pa ako, Hija..." Panimula niya, malumanay ang tono. "..sinunod ko lang naman ang mga magulang mo, Chi..."

"Sinunod?!" I faced her in confusion. "Ano 'yon?! A-anong sinunod?! Can you explain, Lali? I have so many questions! Na bakit ganito, na bakit gan'yan!"

"Sa susunod na ako magpapaliwanag, Hija...kapag kaya mo nang intindihin ang lahat." May pumatak na isang luha galing sa kaniyang kaliwang mata. "Sa ngayon...paghingi lang muna ng tawad ang kaya kong gawin."

I clenched my fist, didn't know what to do next.

"Excuse me, Ma'am..." napaangat ang aming tingin sa lalaking Doctor na tumawag. "I'm sorry for what happened earlier, kinakausap na po ng Head 'yung nurse kanina dahil sa nangyari. I heard from another nurse that you're asking for your brother, he's still in his Hospital room number 601. We will take him to the morgue once one of your family has signed the necessary papers."

Wala na akong hinintay pang pagkakataon at agad nang tumakbo sa pinakamalapit na elevator. Sumakay ako roon upang mapabilis ang pagpunta sa Hospital room na binanggit no'ng Doctor.

Deceived HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon