CHAPTER 3

640 22 6
                                    

Chapter 3: Carbonara

Chasey's POV

"S-sayo ako?" naka-kunot ang noo kong tanong, napapikit ako at napakagat labi ng napagtantong inulit ko na naman ang tanong.

Ano ba Chasey! Umayos ka!

Nanlalambot na ang aking mga paa at kaunti nalang ay alam kong matutumba na ako lalo na at napakalapit parin niya sa akin na halos dumampi na ang kaniyang mga hininga sa aking balat.

Agad ko siyang sinampal kaya nagulat silang lahat, napatingin naman siya sa akin ng may pagtataka.

"Ay sorry..hindi ko sinasadya," kinakabahan kong sabi, hindi ko rin alam kung bakit ko siya sinampal.

Nag-tiim bagang siya bago tumalikod at dire-diretsong tinungo ang pinto upang lumabas.

Napahawak ako sa aking dibdib sa bilis ng tibok nito, ano ba ang nangyayari?

"Bakit mo naman sinampal?" nakangiwing tanong ni Jen.

"Nakakahiya, Chasey.." anaman ni Alli bago napahawak sa kaniyang sentido.

"Ewan ko, kusa nalang lumipad yung kamay ko para sampalin siya.." nakatulala kong sabi.

Magsasalita pa sana ako ng bigla nalang sumampal sa aking pisngi. "Ganti ko yan, para kay Raib," ani Daphne bago umirap at lumabas, agad nalaglag ang aking panga sa gulat.

"My name is Megan, in case you don't know," maarteng sabi ng isa sa kasama ni Daphne. "Umayon ka kung saan ka nararapat ha? You're just a nothing but a transferee." Tinignan pa niya ako mula hanggang paa bago umiling pagkatapos ay lumabas na rin.

Mahaba ang kaniyang buhok at may pagka chinita ang mga mata, pero wala akong pakialam, napakasama ng pag-uggali nila, kung hindi lang ako napakapag-pigil ay baka nasampal ko narin ang isang ito.

"I'm Rexan.." napatingin naman ako doon sa isang babae na kasama rin nila, nakangiti ito na para bang wala lang, napalabi ako.

Kulot ang dulo ng buhok nito at kung titignan mong mabuti ay parang hindi naman siya ganoon kasungit tulad nila Daphne.

"Rexan!" sigaw nung Megan habang nakadungaw sa pinto, sumenyas ito na hindi ko naman naintindihan.

Biglang nawala ang ngiti nung Rexan at biglang napalitan ng pagiging masungit, what the hell?

Umirap muna ito sa akin bago sumunod rin kay Megan.

"Ibang klase ang mga kaklase niyo," sabi ko kela Alli na nanonood lang sa bawat galaw ko, bumalik na ako sa aking pwesto at inayos ang mga laman ng bag.

Sumunod naman sila. "Correction, Chasey, kaklase natin." Si Alli. "Tsaka masanay kana, ganiyan talaga rito...pero pag nagtagal ka naman ay titigil din sila."

Napairap nalang ako pagkatapos ay umupo na at itinuon ang pansin sa dalawang magka-akbay na babaeng papunta sa aming pwesto.

"Hi, Chasey..." ani Dea pagkatapos ay ngumiti.

"He..llo?" awkward kong sagot bago tumaas ang dalawang kilay.

"May buhok ba sa sharpener mo?" tanong nung kasama niya.

Nagsalubong ang aking kilay pagkatapos ay napa-awang ang bibig sa pagtataka.

"Buhok?!" gulat at sabay sabay na tanong namin nila Alli pagkatapos ay nagtawanan.

"Oo, talong sa cabinet..." inosente pa nitong sabi bago namula.

Napatakip na ako sa aking bibig sa kakatawa habang sila ay Jen naman ay namumula na, this girl is a joker, indeed.

Deceived HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon