CHAPTER 16

380 10 0
                                    

Chapter 16: Dead

"Paano kayo napunta sa Yolo Retro?" Kunot ang noong tanong ni Kuya Jim.

Huminto ako sa aktong pagakyat sa hagdan bago ko siya hinarap. "Sumakay sa kotse.."

"I know! What I mean is bakit kayo nandon? Hindi ba't may event kamo kayo?" Aniya pa bago sumalampak sa sofa.

Binuksan niya yung TV at inilipat doon sa favorite channel niyang cartoon network kaya agad akong napabuga sa hangin.

"Gumala kami.."

Nakita ko siyang natigilan bago dahan dahang napatingin sa 'kin. "Gumala? Puro naman ata kayo gala ng mga kaklase mo?"

Napanguso ako bago umiwas ng tingin sa kaniya.

"Ano ka si Dora?" Dagdag pa niya kaya bahagya akong natawa.

Pairap lang siyang umiwas ng tingin sa akin at umiling iling pa na animo'y disappointed na disappointed siya sa mga nangyari.

"Chi?" Rinig kong tawag ni Tita habang papasok ng mansyon. Nang makita niya ako ay agad sumiklab ang galit sa kaniyang mga mata. "What did you do? Tumawag sa 'kin 'yong Dean n'yo at sinabing inaway n'yo raw 'yong kabilang iskwelahan?"

Shit! Ito na nga ba ang sinasabi ko eh.

Nagpalipat lipat lang ang tingin ni Zairis sa 'min na mukhang nagtataka sa mga nangyayari.

"Sorry po.." pahina ng pahina kong tugon.

"I'm not asking for your sorry, ang tanong ko ay bakit ka kako nakipag-away?" Mariing tanong niya bago humalukipkip.

"Hindi naman po dapat ako makikipag away, kaso bigla po kasing may sumampal sa 'kin kaya-"

"Pinatulan mo?" Putol sa 'kin ni Zai.

Napayuko ako bago sunod sunod na napatango. Agad kong narinig ang mabigat at sabay na buntong hininga nila ni Tita na animo'y hirap na hirap na silang i-handle 'tong ugali ko na 'to.

"Sumunod ka sa 'kin," ani Tita bago umakyat nang hindi ako tininatapunan ng tingin.

Nakayuko pa rin akong sumunod sa kaniya dahil sa hiyang nararamdaman.

I shouldn't be like this dahil nagmumukha akong pabigat sa kanila. Ako na nga lang ang nakikitira tapos ay bibigyan ko pa sila ng sakit ng ulo?

Hay nako, Chasey...

Nang huminto na si Tita sa harap ng isang kwarto ay napahinto rin ako. Umangat naman ang tingin ko sa kaniya sa pagtataka dahil nakatingin lang siya doon na para bang wala itong balak na buksan 'yon.

And as far as I know, this was my Dad's room when they were still a kids. Pinamana kasi ito ng lola ko kay tita dahil siya raw ang babae, habang si Papa naman ay isang lupain ang pinamana.

"Ano pong ginagawa natin dito?" Tanong ko habang matamang nakatingin pa rin sa kaniya.

She immediately opened the door without even uttering a word. Sinundan ko siya hanggang sa tuluyan na kaming nakapasok. Sobrang dilim sa loob na animo'y hindi na ito kailanman nabibisita.

Obviously hindi na ito nabibisita, who would dare though? Baka kapag bumisita kami dito ng walang kasama ay baka maiyak lang kami dahil sa takot.

The thick dust from every corner of the room is too suffocating that I had to cover my nose first before breathing. Napaubo rin ako dahil doon kaya um-echo 'yon sa buong silid.

Binuksan na ni Tita 'yong ilaw kaya mas lalo kong napagmasdan ang kalagayan ng kwarto.

Asul na higaan ang agad tumama sa aking mga mata. May katabi itong lamesa kung saan may nakalagay na alarm clock at kahoy na may nakaukit na pangalan ni Papa.

Deceived HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon