Chapter 20 [ Headset ]

201 5 0
                                    

Chapter 20 [ Headset ]

QUEKS POV

Pagkagising ko di ko na nakita si Khel sa tabi ko, tila na din ang ulan. 

Nasaan naman kaya yung lalakeng yon. 

Nagpunta akong c.r para mag-ayos ng sarili ko. Pagkalabas ko ng c.r sya namang pasok ni Khel galing sa labas ng room.

Siya: Kanina ka pa gising?

Ako: M-medyo?

Siya: Good. Sakto dating ko.

Saan na naman kaya galing tong lalake na to at andame na naman niyang dala.

Ako: San ka galing?

Siya: Bumili lang akong pagkaen tsaka dinalhan ko na din si Tita sa Hospital.

Teka.. Anong na ba? 7 pa lang ah? Ibig sabihin ang aga niya gumising?

Ako: S-salamat.

Siya: Walang anuman... sabe nga pala ni Tita bilisan mo daw at pagod na daw siya... parang ngang umiyak na naman yun kagabe e... kaya nagtagal ako ng bahagya para kwentuhan muna si Tita.

Ako: Khel....

Tinawag ko siya habang busy sa pag-aayos ng kakainin namen. Masyado na siyang marameng nagagawa samen... Sumasaket na ulo ko kung paano ko ba siya masusuklian. Pwede bang pagmamahal na lang ibayad ko sayo? HAHA.

Siya: Hmm..

Napatigil naman siya sa pag aayos.

Ako: M-marameng salamat talaga. D-di ko siguro makakaya to kung di dahil sayo.

Sinasabe ko sakanya yan habang nakayuko.

Lumapit naman siya saken at hinawakan ang magkabila kong braso... napatingin naman ako sa kanya..

Siya: *sigh* ... Ilang bese ko bang sasabihin sayo na di mo kailangang magpasalamat... Ako... Ako ang dapat magpasalamat sayo.

Ako: H-ha? E-e? B-baket?

Siya: Dahil mas napapasaya mo ko kada nakikita kitang masaya.

Eeeeeeeeck. >///////< 

Ano ba!!! Wag ka nga kinikilig ako.  

Iniwas ko yung mga tingin sakanya dahil nakaramdam ako ng pagkailang... Ramdam ko namumula na naman ako.

Siya: Tana na kumaen na tayo... kanina pa tayo inaantay ni Tita.

Pagkatapos nameng kumaen pumunta agad kame sa Hospital para palitan si Mama sa pagbabantay kay Papa. Haays. Hanggang ngayon wala pa din daw pagbabago sa kalagayan ni Papa. Lord please pagalingan nyo na po si Papa, magpapakabaet na po ako, ako na po lage maghuhugas ng pinggan pagalingin niyo lang po si Papa. :((

Wala naman masiyadong nangyare, nung mga bandang lunch dumating naman yung 3 pinsan ni Khel kaya nabulabog na naman kame. HAHA. Pero ansaya nila talaga kasama. Nakakuha naman kame ng tagabantay. Sila muna pinagbantay ni Khel at dadalahin daw niya ko sa pinagbilhan niya kay Kekel at Kwekwek, yung couple stufftoys.

Pagpasok namen ng boutique nakita ko yung poster niya sa may entrance ng boutique. Grabe ang gwapo niya... take note! Sobrang gwapo niya. Ang kukulet ng iba niyang picture, 8 shots yung nakita ko. Lahat ng picture niya perfect, parang gusto ko ngang tanggalin yung poster at iuwi.

MY ANNOYING TEXTMATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon