Chapter 26 [ Ferris Wheel ]
QUEKS POV
Maaga ako nagising pagtingin ko sa orasan 6am pa lang. Nakita ko naman yung tatlong pinsan ni Khel na sa may foam natulog. Kameng tatlo nila Bhessy yung asa kama niya. Sana di nakita ni Bhessy yung eksena kagabe. Nakakahiya. >_< Di ko talaga alam kung anong muka ang mahaharap ko sa kanya. Di naman ako agad bumangon, nag-iisip isip ako ng paraan para iwasan yung nangyare kagabe. Hanggang ngayon parang nararamdaman ko pa din yung mga labi niya. ANO BA?!! Tama na please. T__T Nakatulog ako kakaisip.
Paggising ko wala ng tao sa kwarto, nakita ko naman ang kakapasok na si Bhessy.
Isha: Oh Bhessy gisng ka na pala.
Ako: San ka galing?
Isha: Sa guest room naligo, sabe nga pala nila gisingin na daw kita.
Ako: Teka liligo lang ako.
Nagpunta na kame sa guest room. Wala na naman yung mga pinsan ni Khel dun.
Naligo na nga ko pero di pa din ako nalabas ng kwarto.
Isha: Huy Bhessy, bumaba ka na daw kakain na.
Ako: Pasabe busog pa ko.
Echos! Pero sa totoo lang ayoko muna siyang makita ngayon. Wala pa kong mukang maihaharap saknaya.
Bumaba na nga si Bhessy. Yung sinabe niya kagabe, totoo kaya? Lasing lang siguro siya kaya nya nasabe yun.
I take the responsibility.
I take the responsibility.
I take the responsibility.
*Tooook* *Tooook*
"Queks... Okay ka lang? Kakain na."
Ako: Busog pa ko.
Nakita ko na lang na nilabas ng pinto ang isang gwapong lalake na nagnakaw ng halik ko. Bigla na lang akong patungo.
Lumapit siya saken at hinawakan ang magkabilang braso.
Siya: Aishh. Sorry... Sorry talaga Queks sa nangyare kagabe. Sorry...
Ako: "..."
Siya: Kakaen na tayo.
Ako: "..."
Siya: Ayaw mo ha?
Bigla bigla na lang niya ko binuhat na parang bagong kasal.
Ako: ANO BA!!! IBABA MO KO.
Di siya nagsasalita at patuloy sa pagbuhat saken.
Ako: ANO BA KHEL!!! ISA!!! MAKITA TAYO NG MOMMY MO.
Siya: Don't worry wala si Mommy. ^__^
Ako: KAHIT NA IBABA MUNA KO.
Sigaw na ko ng sigaw pero ayaw pa din niya ko ibaba.
Ako: SIGE NA KAKAEN NA KO!! Ibaba muna ko.
Buti na lang madali siyang kausap at binaba niya ko bago kame bumaba ng hagdan. Ang bango bango niya. Nauna na siyang maglakad. Tumigil naman sya at nabangga ako sa sexy niyang likod.
Ako: Aww.
Siya: Siguraduhin mong kakain ka ha? ^___^
Loko tong isang to. Ilang na ilang na nga ko tapos babanatan pa niya ko ng makamandag niyang ngiti.
At pinakaen nga ko ng pasaway na lalake na to ng sandamakmak. >__< Pagkatapos nameng kumaen nagpunta kame sa garden para maglaro. Sila lang pala. KJ ako e anong magagawa niyo. HAHA. Buti na lang di ako pinilit ni Khel kung hindi paniguradong di ko siya matatanggihan. Pagkatapos nilang maglaro nagpunta kame sa sala para manuod ng movie.