Chapter 45 [ Blockmail ]
KHEL's POV
Masaya na sana ang pag transfer ko dito sa school dahil kasama ko si Queks at mga pinsan ko e. Pero hindi e, nalaman ko na di lang pala sila ang makakasama, nalaman ko na dito rin pala nag-aaral si Prex at Louise. Problema to! Tss. Di ko pinapaalam kay Queks dahil baka mangamba siya at kung ano-anu ang isipin niya. Tss. Pinipilit ko naman silang iwasan pero di ko maiwasang magkasalubong lalo na si Louise dahil same building lang kame, Engineering din kase ang course niya. Lage niya kung kinukulet na sabay daw kameng maglunch pero sempre sinabe ko na kasabay ko ang Babe ko. Lage niyang sinasabe saken na hahayaan muna daw kameng magsawa at some other day kukunin na daw niya ko kay Queks. Di ko alam kung anong irereact ko, alam kong kayang-kaya niyang gawin yun dahil sa lakas ng impluwensya ng pamilya nila sa pamilya namen. Tss. Trouble to! Grr. Tapos si Prex naman same building sila ni Rose kaya nalaman ko na andito si Prex, di ako masiyadong napunta sa building nila dahil baka makita niya ako at makita ko pa siya. Ayoko na siyang makita pa. Tapos na kame, pero yung huli nameng pag-uusapan sinabe niya saken na mahal pa din niya ko, pero siguro wala na yun dahil matagal na kameng wala. Ang isa sa pinaka malaki kong problema ay ang pinsan kong si Rjay, kaklase niya si Queks at lage niya kong pinagbabantaan na aagawin niya saken si Queks at ang nasasagot ko lang ay "kung papaagaw siya sayo." Di ko alam kung anong pumasok sa isip nun at pati ako tataluhin niya. Di ko akalain na ganan ang ugali niya, although nung mga bata pa kame lahat ng gusto niya nasusunod. >_<
Pero isa lang pinanghahawakan ko kaya di ako natatakot sa kanila, mahal ko si Queks at mahal ako ni Queks.
QUEKS POV
So far naging successful ang first month namen sa school. Ganun lang naman ang nangyayare, susunduin niya ko, sabay kame maglunch, mamamasyal ng unti, kakain tapos hahatid na niya ko pauwi. At 3 months na kame ni Khel.
Sunday ngayon, free day. Pupunta ako sa Condo nila, tuwing Sunday kase pupunta ko sa unit nila tapos dun lang kame maghapon, quality time nameng dalawa yun.
Andito na ko sa unit nila.
Anne: Oh Queks good morning. May lakad ba kayo?
Ako: Ewan ko lang.
Khel: Oh Babe good morning.. Kakagising ko lang, wait lang liligo lang ako.
Nakipagkwentuhan lang ako kina Anne, Rose at Toteng. Mga wala ata silang lakad ngayon? Usually kase pag Sunday kame lang ni Khel dito sa unit nila.
Rose: Queks oh nga pala diba classmate mo si daw Rjay? Kinukulit ka pa ba niya?
Ako: Medyo. nagsasawa na din ata sa kakakulit, di ko kase pinagpapapansin yun e.
Anne: Hayaan mo na lang siya. Pati iwasan mo din na magkalapit yung dalawa na yun. Mukang galet na galet pa din si Rjay sa nangyare nun e, pagnakakausap ko kase lageng sinasabe saken na gagawin daw niya lahat maagaw ka lang daw niya kay Khel.
Toteng: Basta sabihin mo lang pag binabastos ka nun ha?
Ako: Oo sige salamat.
Rose: Naku wag na naten pag-usapan to... mamaya marinig pa to ng toyoin nateng pinsan.
Nakipagkwentuhan lang ako sa kanila habang niaantay si Khel. Grabe ang tagal nga niyang kumilos e parang babae. >_<
Khel: Let's go Babe?
Ako: Saan ba tayo pupunta.
Khel: Basta tana na.
Sumunod lang ako sa kanya hanggang parking at pinaandar niya lang ang kotse niya.