Chapter 29 [ Good News ]
Rise and Shine. ^___^
Anganda ng gising ko pero ansaket ng ulo ko. Eto ata yung sinasabe nila na HANG OVER. >_< Tiningnan ko naman ang gwapong nilalang nato na tulog na tulog pa. Hayys. Di pa rin ako makapaniwala sa mga pangyayare.
Naligo muna ko at paglabas ko ng C.R tulog pa din sila. Mukang ako pa lang ata nga gising. Naupo lang ako sa gilid ng kama at pinagmamasdan na natutulog si Khel.
"Baket mo ko tinititigan"
Nagsasalita siya ng nakapikit. Nanaginip ba siya.
Nilapit ko yung muka ko sa kanya at tinignan maigi kung tulog ba to o gising. Paglapit naman ng muka ko agad niya ko niyakap.
Siya: Ang bango ah. *sniff*
Ako: HOY BITAW BITAWAN MO NGA KO!
Siya: Good morning Queks.
Ako: Bumangon ka na dan.
Di pa rin niya ko binibitawan. Nakayakap pa din siya saken.
Siya: 5 more minutes please. *puots*
Nakapikit pa din siya.
Ako: BUMANGON KA NA.
Lalo niyang hinigpitan ang yakap niya saken at di nagsasalita. 1... 3... 5... minutes.
Ako: Hoy 5 minutes na.
Siya: -.-
Ako: Hoy!
Siya: Wala pa ngang 1 second e.
Ako: Mag aanim na minuto na kaya.
Siya: Feeling ko kase natigil ang oras ko pag kasama kita. ^__^
This time mulat na siya at nakangiti. Banat ba yun? Banat man yun o hindi kinikilig. >////<
Ako: Kumilos ka na nga diyan. Ang baho muna.
Pero ang totoo lang. Ang bango bango niya kahit bagong gising. Mas gwapo siya pag bagong gising, gulo gulo yung buhok niya tapos medyo sumingkit lalo yung mata niya.
Siya: Sige na nga. *u*
Tumayo na siya at pumunta sa kwarto niya. Paglabas niya siya namang pagpasok ni Bhessy.
Isha: Grabe Bhessy ang saket ng ulo ko.
Ako: Hang over ata yan Bhessy ako din e.
Rose: Goodmorning.
Ako at Isha: Goodmorning den.
Ginising na niya si Mc at lumabas na sila.
Isha: Bhessy ang saket talaga ng ulo ko. >_<
Ako: Maligo ka. Mawawala ng kaunti yan.
Ang saket den ng ulo ko. >_<
Andito na kameng lahat sa dining at kumakaen ng breakfast. Katabi ko si Khel.
Khel: Baket parang di mo ginagalaw yung pagkain mo?
Ako: ANg saket ng ulo ko. T__T
Khel: Hang over yan... Manang patimpla nga ng mainit na kape... untian niyo lang yung asukal ha?
Ako: Di ako mahilig sa kape.
Khel: Mabuti yon para mabawasan saket ng ulo mo.
Mayamaya dinala ni Manang yung kape.
Khel: Okay na ba?
Ako: Kunti na lang.
Khel: Kumaen ka na... Baka gusto mong subuan pa kita.