Chapter 38 [ Meet my relatives ]

165 4 0
                                    

Chapter 38 [ Meet my relatives ]

KHEL's POV

Lately pansin niyo ako lage unang nagigising pag katabi ko siya. Ewan ko parang kusang bumabangon ang katawan ko at sinasabing pagsilbihan ko siya. Haha. Masiyado na ba kong nagiging cheesy ngayon mga nagdaang araw? Pagbigyan niyo na ko, ngayon na lang uli ako nainlove ng ganito e.  

Paglabas ko nakita ko si Rose na nakatayo at pinapanuod ang sunrise.

Ako: Good morning.

Rose: Good morning.

Bumati din naman siya saken without looking. Sinamahan ko siyang pagmasdan ang sunrise.

Rose: Khel...

Ako: Hmmm?

Rose: Sorry sa kagabe ha?

Ako: Alen?

Rose: Yung mga sinabe ko kay Queks.

Ah oo nga pala. Gusto kong magalet sa kanya kagabe dahil sa mga sinabe niya, dahil sinabe niya yung posibilidad na pwedeng mangyare sa relasyon namen ni Queks pero di ko magawang magalet sa kanya. Alam ko may dahilan siya at kung ano yun? Ayun yung itatanong ko sa kanya ngayon.

Ako: Baket mo nga pala sinabe sa kanya yun? Alam mo gusto kong magalet sayo dahil pinangunahan mo yung pwedeng mangyare... dahil sinabe mo sa kanya yung mga bagay na pwedeng mangyare, pero di ko magawa. Tell me Rose... Baket?

Rose: Sorry pero may gusto lang akong malaman. -__-

Ako: Malaman? ANO?

Rose: Alam ko at alam mo den na posible mangyare yung ganung sitwasyon sa inyo... di naman sa pinapangunahan kita... ayoko lang na masaktan ka... ayoko lang na bumalik sa date yung Khel na walang buhay... Tinanung ko sa kanya yun kase gusto ko malaman kung anong magiging desisyon niya pag nangyare yun... Ayokong iwan ka niya dahil dun... alam ko naman na ipaglalaban mo siya pero di ko pa din maiwasang mangamba na baka pag nangyare yun sukuan ka niya... iwan ka niya at sabihing di ka nya kayang paglaban...

This time nakikita ko na medyo naluluha na siya. Lumapit ako sa kanya at niyakap siya.

Ako: Alam mo naman na ipaglalaban ko siya kahit anong mangyare diba? Pero kase natakot din ako nung tinanung mo yun... Kase baka... baka nga sukuan niya ko... Salamat sayo... salamat pinsan... nagkaroon ako ng mas matibay na dahilan para mas lalo ko siyang ipaglaban...

Rose: Kasama mo kame... kasama mo ko sa araw na ipaglalaban mo na siya... I trust Queks na hindi ka niya basta basta bibitawan...

Pagkatapos ng madrama nameng pag-uusap dahil mga tulog pa sila nagpasama ako sakanya na bumili ng breakfast.

Rose: Pero Khel... paano kapag nangyare na nga yung kinakatakot naten? na naipaglaban mo nga siya pero di pa din sapat... I mean paano pag gumawa sina Tito ng ibang paraan?

Ako: Ayoko munang pag-usapan yan sa ngayon. -___-

Rose: Kung ayan ang gusto mo sige.

QUEKS POV

Nagising ako na wala si Khel sa tabi ko. Lumabas ako pero wala din siya. Saan kaya na naman nagsusuot yung lalake na yun? 

Naglibot libot lang ako ng bahagya sa paligid. Mula sa malayo nakita ko naman si Rose at Khel na magkasama at may dala-dala.

Rose: Good morning Queks. :)

Ako: Good morning.

Khel: Good morning babe. *sabay kiss sa cheek ko*

MY ANNOYING TEXTMATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon