Chapter 40 [ What's bothering him? ]
Ano pa bang aasahan niyo pag kasama ko sila, ang term kase ng kasiyahan kay Toteng ay inuman. HAHA. Kaya yun napasabak na naman kame sa pag-iinom. Andito kame sa may beach at may bonfire sabay nag-iihaw sila ng kung ano-anong seafood.
Anne: So how's your dinner date?
Khel: Ayos naman. Salamat sa inyo ha?
Anne: Si Toteng kaya ang pinakamalaking effort dun. Haha
Toteng: Di naman. Pero masaya ako para sainyo. Naging successful ang plano naten.
So kasabwat pala silang lahat dito.
Rose: Ligo tayo... Ang sarap ng tubig.
Nagyaya naman si Rose na maligo. Naligo lang kame at nagsaya.
Bobby: We should try tha banana bot and flying fish tommorrow. Masaya yun.
Anne: Gusto ko yan. ^_____^
Pagkatapos nameng maligo balik kame sa inuman. Kwentuhan lang nung kung ano-ano.
Ang saya saya ng lahat. Nagsasayaw pa nga yung mga lalaki at sobrang nakakatuwa. Di ko alam na magaling din pa lang sumayaw tong si Khel. Pagkatapos nun nagsibalikan na kame sa kanya kanyang kwarto.
Tulog na lang silang lahat at ako hindi pa. Nararamdaman ko pa din ang hilo at di ako makatulog. Naisipan kong bumaba at pumunta sa kusina. Pero laking gulat ko na may tao sa may sala at si Khel yun. Nakaupo siya at tulala na para bang ang lalim ng iniisip.
Ako: Babe? Baket di ka pa natutulog?
Muka naman siyang nagulat ng makita ako.
Khel: Ah... eh.. Ikaw baket di ka pa natutulog? You suppose to be dreaming by this time.
Ako: Di ako makatulog. Nahihilo ako at medyo masaket pa ang ulo ko.
Nilapitan naman niya ko at pinaupo sa sofa.
Khel: Seat here... I get you some hot milk para makatulog ka at mabawasan ang saket ng ulo mo.
Umalis na siya at nagpunta sa kusina. Di niya sinagot yung tanong ko. Lately napapansin ko talaga na parang ang lalim talaga ng iniisip niya. Kada naman tatanungin ko siya lageng wala ang sagot niya. Tss. Nababahala na ko sa kanya. Maya maya andito na siya at may dalang hot milk para sameng dalawa. Umupo naman siya sa tabi ko.
Ako: Hmmm. Babe... may problema ba? Baket di ka pa natutulog? at napapansin ko na lage ka na lang may parang iniisip. Anong problema?
Khel: Wala Babe... Wala kong problema.. Di lang talaga ko makatulog dun sa kwarto kase malameg... Tinodo nila yung aircon e.
Naubos na naman yung milk namen at medyo nawala wala nga yung saket ng ulo ko.
Ako: Here... Higa ka dito.
Pinapahiga ko siya sa lap ko.
Khel: Naku di na... Matulog ka na sa kwarto niyo... okay lang ako.
Ako: Hindi... humiga kana.
Pagkatapos ng mahabang pilitin napapayag ko naman siya na humiga sa lap ko.
Ako: Matulog ka na... babantayan kita.
Khel: Di na babe... okay lang talaga ko.
Ako: Aish! Ang kulet. >_<
Khel: SIge na nga... Pero gisingin mo ko pag nangangalay ka na ha?
Ako: Opo.
Pumikit na naman siya. Ang gwapo gwapo niya talaga. Pero parang may iba sa talaga sa kanya ngayon.