Chapter 48 [ His Back ]
QUEKS POV
Pag mulat ko panay puti ang nakikita ko. Inikot ko ang paningin ko. Nasa clinic lang pala ko. Teka parang may nakahawak ata sa kamay ko.
Paglingon ko may nakatungong lalake na hawak hawak ang kamay ko. Pero likod pa lang niya, ang amoy niya... kilalang kilala ko na kung sino siya? Anong ginagawa niya dito? Paano ako napunta dito?
Di ko pa rin inaalis ang mga kamay ko sa kamay niya. Namiss ko to. Namiss ko yung malalambot niyang kamay.
Maya maya tumunghay na siya. Agad ko namang hinila ang kamay ko.
Khel: Gising ka na pala. Okay na ba pakiramdam mo?
Ako: Ok na ko. -____-
Khel: Tatawagin ko lang yung nurse para tignan kung okay ka na talaga.
Ako: Okay na talaga ko.
Tatayo na sana ko bigla pero binalik niya ko sa pagkakahiga.
Khel: tatawagin ko lang yung nurse.
Ako: SABE NG OKAY NA KO E!!!
Napasigaw na ko. Ayokong manatili dito, ayokong yung nararamdaman ko. Naiilang ako at the same time nararamdaman ko na naman na bumibilis yung puso ko. Di to tama. May Louise na siya!
Halata namang gulat na gulat siya sa pagkakasigaw ko. Agad naman akong tumayo at lumabas ng clinic.
Khel: Wait lang!!
Hinahabol niya ko.
Khel: Queks wait lang...
Di ko pa din siya pinapansin tuloy pa din siya sa pagtawag.
Khel: Wait lang Babe...
Napatigil ako sa paglalakad dahil sa narinig ko. Agad naman siyang lumapit saken.
Khel: Kumaen ka muna...
Iniwas ko lang ang tingin niya.
Ako: busog ako.
Khel: your not good in lying.
Ako: Busog talaga ko. -___-
Di na siya nagsalita at hinila lang niya ko papuntang parking lot. Pinasok naman niya sa kotse niya.
Ako: Pababain mo ko.
Khel: Kumaen ka muna.
Ako: Busog nga ko.
*Bruuuuuuuuuuut.*
Khel: HAHAHAHAHAHAAHHAAHAHAHAHA
Ako: Wag ka ngang tumawa dan.
Panira naman kase tong tiyan ko na to ngayon pa nagreklamo.
Khel: Sabe ko sayo kumaen ka e. Kanina ka pa kaya di nakaen. Dismiss na lahat at kanina ka pang lunch di nakaen. Malapit ng mag 6pm.
Pagtingin ko sa labas malapit na ngang dumilim. Di na ko nagsalita at dinala lang niya ko sa isang reataurant para kumaen.
Siya umorder ng kakainin namen dahil di ko siya pinapansin.
Nilapag naman ng mga server ang sandamakmak na pagkain.
At ang sasarap ng amoy.
Ako: Mauubos mong lahat yan?
Khel: Uubusin naten... Gutom na gutom na din ako... Di ako nakapag lunch dahil sayo.
Ako: Sabe ko ba kaseng samahan mo ko sa clinic. >_<