Chapter 59 [ Plan Succeed ]
QUEKS POV
Nakauwi na ng bahay si Khel pero kailangan pa daw niyang magpahinga pa ng 3days kaya baka sa Monday na daw siya makapasok.
Paglabas ng Hospital ni Khel di ko naman siya madalaw sa unit nila kase daw baka magpunta daw dun si Louise. Ewan ko pero di na siya ganon naiwas saken ngayon di kagaya ng mga nagdaang araw, miss na miss ko na nga siya e.
Balik school na ulet ako dahil 4days din akong hindi nakapasok. Nakikita ko naman si Louise pero lageng ang sama ng tingin niya saken. Ewan ko ba hindi naman siya ganun date, nag-uusap naman kame date nung magkaklase kame pero di naman talaga kame as in yung close. Friends friends lang kase magkaklase kame, di ko alam na ganun pala talaga ang ugali niya. Hangang hanga pa naman ako sa kagangdahan, katalinuhan at kabaitan niya tapos ganun pala ang ugali. Tss. >_<
KHEL's POV
Nakalabas na ko ng hospital pero kailangan ko pa daw magpahinga ng 3days. By monday pwede na daw akong pumasok. Kailangan kong habulin ang mga namiss kong lessons.
Tungkol naman sa plano namen. Nakapag plano na kame ng gagawin namen at gagawin namen yun sa Monday. Isasama ko siya dito sa condo at isasagawa ng plano namaen. Kung ano man yun? Malalaman niyo den.
Miss na miss ko na si Queks. Miss na miss ko ang Babe ko. :(
Di ko pinapadalaw dito sa unit dahil baka matiyempuhang magpunta si Louise tapos andito siya edi yare.
Andito ako sa sala ng may biglang kumatok.
*Toook Toook.*
Pagbukas ko ng pinto nakita ko si Louise.
Louise: Iniiwasan mo ba ko?
Ako: Hinde. -____-
Louise: E baket di ka napasok? Tapos pag pinupuntahan kita dito wala ka? Saan ka ba nagpupupunta? Nakikipag kita ka ba kay Queks?
Ako: Ha? H-hinde no! -___-
Louise: E baket di ka nagpaparamdam.
Ako: Kakalabas ko lang galing hospital.
Louise: HAA? BAKET ANONG NANGYARE SAYO?
Ako: Umubo ako ng dugo.
Louise: OKAY KA NA BA NGAYON? Baket di mo sinabe saken para naalagaan kita.
Ako: Ah... eh..
Louise: Halika dun tayo sa loob.
Nag-usap lang kame ni Louise tungkol sa nangyare saken. Tapos pinagluto niya ko ng makakaen ko. Sinabe niya nga na hindi muna daw siya papasok para alagaan ako e, pero tumanggi ako.
Usap lang kame ng kung ano ano.
Tapos nung nagdatingan yung mga pinsan ko hindi nila pinapansin si Louise. Parang wala silang nakikita. Tahimik lang kame nanunuod.