Chapter 47 [ His getting married ]
KHEL's POV
Nagising ako sa ingay ng alarm clock ko. Haays. Baket ang saket ng ulo ko? >_<
Nag-inom nga pala ko buong gabe dahil sa nangyare kahapon pero parang nakita ko siya kagabe. Parang narinig ko ang boses niya. Pero paano mangyayare yun e pinagpalit niya ko sa pinsan ko.
At muli nagpatakan na naman ang mga luha ko. Baket niya ginawa yun saken? paano niya nagawa yun? Mahal naman niya ko diba? Sabe niya yun saken, sabe niya di daw niya ko iiwan pero baket kay Rjay siya sumama kahapon? Baket niya ko tinalikuran? Ano bang nagawa ko?
Haaaaaays. Pupunta ko na alng siya sa kanila ngayon, hahayaan ko siyang magpaliwanag at pag nagpaliwanag siya papatawarin ko siya. Tama!
Naligo lang ako at dali-dali akong nagdrive.
Bababa na sana ako ng kotse ng makita kong pinagbuksan ni Rjay ng pinto ng kotse si Queks at pumasok naman siya agad.
Bigla na lang nagpatakan ang mga luha ko.
So totoo talagang pinagpalit na niya ko sa pinsan ko? Totoo talagang iniwan na niya ko, pero baket di siya nakipag usap saken. Baket ayaw niya kng kausapin? >_<
Nagdrive na lang din ako papuntang school at nagpark. Bago ako bumaba pinahidan ko lang ang mga luha ko at papunta na ko sa room ko.
Pero nakita ko na naman sila, nakaakbay si Rjay kay Queks.
Bago pa tuluyang pumatak ang mga luha ko, tumakbo na ko papunta sa room namen.
Kelangan kong mag concentrate. Pero baket hindi ko magawa? Lageng nagpa flashback yung mga nakita ko kanina.
"Mr. Dela cruz are you listening?"
Ako: SIr?
Sir Dalton: Ano bang nagyayare sayo at kanina ka pa tulala? You supposed to be attentive and active but why all of a sudden you are staring in nowhere?
Ako: Sorry Sir... im not feeling well.
Sir Dalton: Kelangan mo bang pumunta ng clinic?
Ako: No need Sir im fine.
Sir Dalton: If you said so.
Ayokong pumunta ng clinic wala kong gagawin dun at baka mapaiyak na naman ako.
Pinilit ko lang makinog sa prof namen at limited lang yung napasok sa utak ko! Tss.
Nung Lunch Break kasama ko lang sila Anne maglunch.
Anne: Oh baket wala na naman si Queks? Hindi ba kayo sabay?
Ako: Hindi e.
Toteng: Himala ata yan? Baket?
Di lang sumagot at kumain na lang ako.
Rose: May problema ba kayo? Kahapon nag-inom ka! Baket ba? Ano bang problema?
Ako: Let's not talk about it... I have to go.
Bago pa sila magsalita umalis na ko agad ng cafeteria. Paglabas ko naman nakita ko lang si Queks at Rjay na magkasama at palabas ng gate. Siguro sa labas sila kakaen. Nakita naman ako ni Queks kaya napatingin siya sake. Agan naman niyang iniwas ang mga tingin niya at nakita ko sa mata niya na parang malungkot siya?
SIya pa malulungkot e ngawa niya nga kong ipagpalit e.
Agad naman akong pumunta sa room, maaga pa at ako pa lang ang tao dito, nirevise ko yung mga tinuro kanina. Kelangan kong mag-aral, di ako pwedeng maapektuhan sa maga nangyayare.