Chapter 24 [ Meet his Mother ]
QUEKS POV
Monday ngayon. Boring. -__-
Ang tahimik dito sa kwarto ni Papa, walang nagpapatawa saken, walang nangungulit. Nakakapanibago. Haaays, tiis lang Queks nangako naman siya na babalik siya dito diba? Mabilis lang ang araw, babalik din yun.
Lumipas nang isang araw pero wala pa ding Khel na natawag o Khel na pumupunta dito. Grabe namimiss ko na talaga siya, di ko naman sinabe kay Mama na babalik sila dito baka pati siya mag antay. Pero tutupadin naman niya yung sinabe niya diba? -___-
Matutulog na sana ko ng...
Brrrrrrr. Brrrrrrrrr.
Calling...
Yabang.
Ako: Hello.
Siya: Queks... sorry ngayon lang napatawag, naging busy kase ko school. Baka bukas andan na kame. Tinulungan ko din kase yung mga pinsan ko na ayusin yung mga sched nila e, kasali kame lahat sa program... Si Rose kasali sa cultural dance, si Toteng namen magpeperform din dun sa club nila, Si Anne at ako kasali sa Pageant.
Ibig sabihin nun di sila makakapunta ngayon weekdays. T___T
Di ako nagsasalita.
Siya: Inayos namen lahat ng sched namen, buti na lang sabay sabay kame ng araw kung kelan gaganapin lahat ng mga sinalihan namen. Pinipilit ko na di ako pwedeng sumali e pero naka line up na pala yung mga candidates, nakipagtalo pa nga ko sa prof ko pero di pa din siya pumayag. Bukas.... bukas ng umaga anjan na kame.
Ako: TALAGA?!! ^_______^
Halos mapatalon ako sa sobrang saya. Sabe ko na e di niya ko bibiguin, tutupadin niya yung sinabe niya saken e. Grabe excited na ko. ^_______^
Siya: Oo. Lahat kame sabay sabay na pupunta dan. Nagpaalam na din kame sa mga magulang namen... pumayag sila.
Ako: Sige aantayin namen kayo ha?
Siya: Asahan mo.... magpahinga ka na... masyado ng gabe.
Ako: Osige.
Siya: Goodnight Queks... sweet dreams.
Ako: Goodnight.
Call ended...
Bago pa ko nakatulog nagbilang muna ko ng mga tupa sa utak ko. HAHA. Grabe excited na talaga kong magbukas.
KHEL's POV
Siya: Goodnight.
Call ended...
Haaaaaaaaays. Miss ko agad siya isang araw pa lang kameng di magkasama e. E kung lumipat kaya kame ng bahay. HAHA. Di naman papayag si Mommy. Balak ko ngayon talaga ako babalik dun kung di lang sa lintik na Pageant na yon e. Wala kong kaalam alam na kasale pala ko. Tss. Buti na lang naayos namen yung sched namen. Yung mga pinsan ko parang ayaw ng umuwi pag andun sila. HAHA. May balak ako sa Thursday bago umuwi dito. ^^
Matawagan nga si Tita panigurado gising pa yun dahil siya yung nakatoka na magbabantay kay Tito sa hospital.
Calling...
Tita Juliet
Tita: Oh hijo napatawag ka.
Ako: Good evening Tita. Kumaen na po ba kayo?
Tita: Good evening din hijo. Oo kumaen na ko. Maghahating gabi na ah? Bat di ka pa tulog?
Ako: May pagpapaalam lang po ako sainyo.