EPILOGUE
THRID PERSON POV
Si Rose at Mc naman the day after the unforgettable scene ng buhay ni Queks sinagot na ni Rose si Mc. Kinausap kase ni Mc ang mga magulang ni Rose ng masinsinan, ang dame daw nilang naging agreement at lahat yun ay paninindigang lahat ni Mc. Pinayagan sila ng mga magulang ni Rose na maging sila. Pareho silang naging masaya, hindi naman nakaksagabal sa lahat ng pangarap ni Rose ang boyfriend niya sa katunayan pa nga mas sinisipag at mas pinagpupursigiduhan niyang mag-aral dahil nakakuha siya ng inspiration. Naisip niya na tama nga ang sinabe niya na "its up to you kung gagawin mong distruction o inspiration ang magiging karelasyon mo". Naisip din niya na sana kung alam niyang ganito pala ang pakiramdam una pa lang di na niya pinigilan ang sarili niyang magmahal.
Si Bobby at Anne naman, legal na din sila dahil official ng pinakilala ni Anne sa lahat ng relatives niya si Bobby at botong boto lahat kay Booby. Mabaet naman talaga kase si Bobby at bagay na bagay sila ni Anne.
Kung tatanungin niyo naman si Isha at Toteng, sila na. Haha
Tinapos na kase ni Toteng ang lahat lahat sa kanila ni Maela. Na hindi na matutupad ni Toteng ang pangako niya sa kaniya na iintayin siya dahil hindi pa din naman daw sigurado kung papayagan pa rin ang relasyon nila dahil ayaw talaga ng parents ni Maela kay Toteng, pati isa pa mahal na niya si Isha. Masaya siya kay Isha. Wala pang nakakaalam sa relasyon nila dahil ayaw munang sabihin ni Isha. Nahihiya daw siya, pumayag naman si Toteng at pinangako naman ni Isha na sa mismong kasal na ng kaniyang Bhessy sasabihin ang lahat sa kanila.
Si Rjay at Melissa naman. Nagkabalikan na sila, si Melissa din ang nakipagbalikan dahil wala naman daw silang ginagawa ni Rjay na masama. Pati they put God naman daw between their relationship kaya ayos lang kahit hindi na niya sundin yung covenant. Sinusuportahan naman ni Rjay ang lahat ng ginagawa ni Melissa. Nakisama na nga siya sa religous group ni Melissa tanda ng hinding hindi siya magiging hadlang sa pagprioritize ni Melissa kay God e. Natanggap naman siya ng lahat ng kagroup ni Melissa dahil mabaet naman talaga si Rjay. Masaya masaya na sila ngayon.
Si Louise naman hindi na namen alam kung nasaan, si Precious naman naging kaibigan na din namen pati yung boyfriend niya.
Masayang masaya na silang lahat ngayon.
QUEKS POV
Haysss sa wakas ayos na din ang lahat.
Masayang masaya na kameng lahat, pero wala ng mas sasaya saken ngayon dahil ngayon ang araw ng kasal namen ni Khel. Oo isang taon na ang nakalipas, madameng nangyare at madame pang mangyayare pero focus ako sa mangyayare ngayong araw dahil this day will the best day of my life.
Andito kame sa hotel kung san ako inaayusan. Andito din si Bhessy, Rose at Anne.
Anne: Grabe girl ang ganda ganda mo. Excited na talaga ko sa kasal niyo... Any hour magiging Mrs. Queks Bautista dela Cruz kana. At magiging official ka na nameng pinsan.
Ako: Salamat ha? :)
Pagtapos ng ayusan. Bumaba na kame dahil malelate na kame.
Ako lang mag-isa sa bridal car, nasa ibang sasakyan sila Mama at Papa pati na rin sila Anne.
Napansin ko na sa ibang direksyon kame lumiko imbis na sinusundan namen ang sasakyan nila Mama.
Ako: Ahh.. Manong driver mali po yung daan naten... hindi po dito yung papuntang simbahan.
Hindi naman nagsasalita ang driver. Kinakabahan na ko. Saan kaya ako dadalhin netong driver na to?Hanggang ngayon ba na mismong kasal ko may mangyayare pa ding hindi maganda? >__<