Chapter 50 [ The Desperate Louise ]
Ilang linggo na ang nakakaraan. Sinimulan na din nilang pag-aralan ang mga documents ng company nila.
Sa school naman sinusundo ako ni Khel tuwing umaga tapos sabay maglunch si Khel at Louise. Nung mga unang araw medyo affected ako pero lage ko lang sinisiksik sa utak ko na ginagawa niya yun para samen. Hinahatid naman niya ko kase may sariling service si Louise. Di kame nagkakausap ng maayos pag nasa loob kame ng university. Sinasamahan naman ako nila Anne maglunch at anong balita kay Rjay? Kinukulet niya pa din ako ng mga nakaraang araw pero sumuko na din siya at nililigawan niya ang isa nameng classmate pero di pa din sila bati ni Khel at meron pa din kidlat kada magkakakita sila.
Andito kame sa unit nila at pinag-aaralan nila yung mga documents. Sobrang busy sila kaya ako na ang nagpeprepare ng mga kakainin nila. Ako nagluto lunch, nagpatulong lang ako ng kaunti kay Anne. Unti unti na nga kong natututong magluto e at ngayon naman nagpeprepare ako ng merienda nila. Seservehan ko lang naman sila ng cake at coffee.
Busyng busy sila na halos wala ng magsalita sa kanila sa sobrang focus sila. Ako naman boring na boring na pero ayos lang.
Ako: guys kumaen muna kayo.
Inilapag ko lang yung merienda.
Kinuha ni Khel yung isang cup ng coffee.
Khel: Thanks Babe.
Sabay zip ng coffee tapos balik ulet sa ginagawa niya.
Ako: kumaen muna kayo. Pagpatuloy niyo na lang yan.
Grabe halos wala kong makausap sa kanila sa sobrang busy nila. Tuwing weekend lang daw kase nila pwedeng gawin yun kaya todo focus sila.
Pagkatapos nilang kumaen nagpaalam lang ako na lalabas lang ako para tumingin ng pwedeng maging dinner mamaya. Ginawa na nila kong katulong e. Tss. >_<
Pumunta muna ko sa isang coffee shop para magmerienda, di kase ko nakapag merienda kanina e. Pero nagulat ako sa nakita ko. Si Louise kasama ang isang matandang lalake kaya naman dali dali akong umupo malapit sa kanila pero hindi naman nila masiyadong kita. Umorder lang ako ng cheesecake at coffee.
Louise: Dad. Aantayin pa ba talaga naten na mag 18 ako bago kame ikasal ni Khel?
Atat na atat niyang sabe.
Daddy niya pala yung kamsama niya.
Dad: Oo anak. 18 and above kase ang pwedeng magpakasal dito sa philippines e.
Louise: Edi sa ibang bansa naten gawin ang kasal... kung san pwede tong edad ko. >_<
Dad: Just wait anak... gagawa ako ng paraan bago pa nila malaman ang totoo.
Gustong gusto niya talagang magpakasal kay Khel. >_< Pero teka... wait Totoo? Anong totoo?
Louise: Dad do it as soon as posible I want Khel to be mine forever.
Dad: I will anak.
Desperada na talaga siya, at yung daddy naman nya pabor na pabor at sinusunod lahat ng gusto ng anak niya.
LOUISE's POV
PaPOV ha? Wag niyo kong sasabunutan.
Masisisi niyo ba ko kung gustong gusto ko talaga si Khel eversince? Simula't sapol pa lang ako na ang nakatakda para kay Khel. Sinabe ko sa kanya na babalik ako at tinupad ko yun.
Andito kame ni daddy sa isang coffee shop para pag-usapan ang tungkol ng samen ni Khel.
Louise: Dad. Aantayin pa ba talaga naten na mag 18 ako bago kame ikasal ni Khel?