Chapter 42 [ Something Wrong >_< ]

169 4 0
                                    

Chapter 42 [ Something Wrong >_< ]

Naglibot libot lang kame sa park, nagbike, kumaen ng kung ano-anu, naglaro pa nga kame e.

Khel: babe... Yung sa family outing namen... Sama ka ha?

Ako: Ha? Nakakahiya... pati..

Khel: Sige na.. wag ka ng mahiya... Lahat ng kamag-anak namen andun kahit yung mga nasa ibang bansa. Buong angkan namen hanggang sa dulo duluhang lahi namen. Hahahaha

Ako: Nakow edi andame niyo? Lalong mas nakakahiya.

Khel: Okay lang yun... Kasama din naman sina Isha, Bobby at Mc. Kumpleto pa din tayo don't worry.

Ako: Hmm. Sige papaalam ako.

Khel: No need. Kay Tito na ko mismo nagpaalam.

Ako: Pumayag?

Khel: Naman. Hahaha.

Ang lakas niya talaga sa mga magulang ko. Di na ko magugulat isang araw ipakasal na ko dito kay Khel kahit di pa ko tapos ng pag-aaral. Pabor! Hahaha. Joke lang. Sempre kelangan kong magtapos.

Pagkatapos nameng maggala hinatid naman nila kame bago ng 12. Kelangan daw kasi nilang umuwi, may pagpupulong daw silang buong angkan bukas e.

Nakatulog ako ng may mga ngiti sa mga labi ko. :)

KHEL's POV

So far naging successful naman yung surprise ko para sa kanya. Medyo natatawa pa nga ko sa mga naging reaksyon niya nung dinukot namen siya e.

Namiss ko siya ng sobra. Namiss ko yung mga ngiti, yakap at halik niya. 

Pabalik na kame sa Laguna ngayon.

Ako: Pumayag na pala yung magulang ni Queks pati si Queks sa outing naten.

Rose: Khel.. Dun mo na ba siya ipapakilala?

Ako: Di pa siguro.. Uunti unti ko muna si Daddy... Ayoko din kase siyang biglaan e.

Rose: E anong sasabihin mo? Kaibigan lang?

Ako: Hindi ko alam... Pero gusto ko makasanay na siya ni Daddy, makilala siya ni daddy... gusto kong ipakita sa kanya na mabuti si Queks... na di siya makakasira.

Rose: Ikaw bahala. Pero pag kelangan mo ng tulong andito kame ha?

Ako: salamat pinsan.

Madaling araw na kame nakauwi. Good luck samen. Nagpatawag kase si Mamita (Lola namen) ng meeting para sa gaganaping Family Outing / Engrandeng Family Reunion, at 7am gaganapin sa kanyang White Mansion. Haha. Sosyal ang Lola ko no? Hahahah

Kaya gusto kong isama si Queks para makilala siya ng iba nameng kamag-anak. Hahanap na din ako ng kakampi para sa oras na ipaglaban ko siya. Hahahahaha.

6am ginising na ko ni Mommy, maghanda na daw ako. Nagsiuwian na daw kasi yung mga Tita, Tita tsaka yung mga pinsan namen.

Andito na kame sa Mansion ni Lola at kasalukuyan silang nagkakamustahan. Kame namang 4 para kameng pinagsakluban ng langit at lupa. Hahaha

Anne: *sigh* Look at my eyebags. @_@

Rose: Ako nga hilo pa sa antok e. >__<

"Ehem...What's on your face guys? I think you still have a hang over from your gimik last night."

Napatingala kameng 4 at napa O___O

Anne: OH MY GOSH!!! RJAY IS THAT YOU? IS THAT REALLY YOU?

Si Rjay yung pinsan namen na nasa states. 5 years yung huli nyang uwi dito. Kaedad lang din namen siya.

MY ANNOYING TEXTMATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon