Chapter 57 [ He's sick ]
RJAY's POV
Ilang linggo na din ang nakalipas, nakalipas na din ang bday ni Khel pero mas pinili niya na wag na lang daw magcelebrate.
Napapansin din namen sa kanya na halos wala siyang tulog at bihira lang kumaen. Nag-aalala na nga kame sa kanya baka kung ano ng mangyare sa kanya. Napunta din dito si Louise pero pag nandito siya nagkukulong lang kame sa kwarto para di namen siya makita.
Saturday ngayon wala kameng klase. Sila Anne, Rose at Toteng may kaniya kaniyang lakad. Kame lang ni Khel ang tao dito sa unit pero parang di niya alam na nandit ako kase di naman ako nalabas ng kwarto e, siya din naman sa kwarto lang niya at angkukulong.
Marinig akong nagbuzzer Bubuksan ko sana pero tinatamad ako, wala naman akong aasahan pating bisita e.
Lalabas sana ko ng kwarto para uminom pero may narinig akong pamilyar na boses.
"Hi Loves... i bring you food oh.. Halika pag saluhan naten..."
Tama kilala ko yung boses na yun. Boses ni Louise yun. Siniip ko sila pero di ko sila nakita sa sala, baka nasa kusina at nakaen. Bumalik na lang ako sa kama ko. Kinuha ko yung laptop ko at ang net na lang ako. Haaaays. Boring.
After 3o mins. tinamad na kong magcomp. Ilalapag ko na sana yung laptop sa may side table ko ng narinig ko na sumisigaw si Louise. Sinilip ko sila. Nakatayo sila sa may sala at parang inaaway niya si Khel na nakatungo lang.
Louise: Im warning you Khel... wag na wag mong gagawin to saken... binabalaan kita. Sinabe ko sayo kung anong kaya kong gawin sa pamilya niya at sa kanya pag ginawa mo to saken.
Khel: Di ko na kaya... nahihirapan na ko... nahihirapan na siya... sobrang syang nasasaktan na mas triple oh isang daang katumbas nun saken.. kaya please Luoise Im begging you hayaan muna kameng maging masaya... please.
Nakatungo lang si Khel habang nagsasalita. Di ko maintindihan ang pinag-uusapan nila pero parang mukang may kinalaman nga si Louise sa mga nangyayare.
Louise: NO! SINASABE KO SAYO KHEL... PINAGBANTAAN NA KITA NA PAPAPATAY KO SILA PAG GINAWA MO YUN... Pero kung ayan talaga ang gusto mo.. Say goodbye sa parents ni Queks... ang most especially to your most love Queks... Hahaha..
So bina blockmail ni Louise si Khel na dapat iniwan niya si Queks at si Louise at piliin niya kung hindi ipapapatay niya ang magulang ni Queks at si Queks. Desperate devil Louise. Sinasabe na nga ba e... may kinalaman tong impakta na yun sa mga nangyayare. Di maari to kailangan may gawin kame.
Aalis na sana si Louise pero hinila ni Khel ang braso ni Louise.
Khel: WAG NA WAG MONG GAGAWIN YON LOUISE!!!
Galet na galet na si Khel na halos maputol na yung braso ni Louise sa higpit ng pagkakakapit niya.
Louise: Then sundin mo gusto ko... Kilala mo ko! Alam mong kayang kaya kong gawin lahat ng yun. Kaya kung ayaw mo say goodbye na saknila...
Khel: SIGE NA!!! BASTA WAG NA WAG MONG SASAKTAN SI QUEKS OH KAHIT LALAPITAN.. KUNG HINDI HANDA KONG MAKULONG AT MAKAPATAY PARA SA KANYA.
Louise: Okay then. :) Good choice. Pwede ba bitawan muna ko at kanina pa ko nasasaktan... Aalis na din ako.
Bitawan ni Khel ng patulak si Louise kaya muntik ng matumba.
Sinarado ko naman bigla yung pinto ng kwarto ko at baka makita niya ko.
Kailangan nameng gumawa ng paraan para di matuloy ang mga balak ni Louise. Kailangan nila tong malaman. Pero di dapat ako magpadalos dalos, mag-iisip muna kame ng hakbang. Tama! Sasabihin ko to kay Anne, Rose at Toteng pero di ko muna sasabihin kay Queks.