Chapter 3

55 26 42
                                        


Disclaimer: This chapter is unedited. I apologize for the wrong typos and grammars. Might encounter a lot of bad, bulgar and foul words. Please read at your own risk. 


Skye's POV


"Ano iniisip mo?"


Tanong ko kay Xyronne nang mapansin na nakatunganga siya sa daan habang naglalakad kami. Why are we walking ba?


I mean, I'm used to him being that quiet and introvert boy. Pero, today's different. There's something wrong with his aura.


Medyo madilim na ngayon, may mga nagbabike or kids playing outside. Pinagmamasdan ko lang sila habang naglalakad kami pauwi sakanila.


May kaya ang pamilya nila, on his 18th, tito Levin bought him a Mercedes Benz. So bakit kami naglalakad?


"Do you like Brendon?"


Napatingin ako sakanya. When he looked at me, napatawa ako ng malakas.


"Crazy." He said while looking at me.


Crazy for you.


Chariz.


"San mo ba nakuha yan? My god, My standards are not that low!" I said, defending myself.


I mean, oo Brendon is handsome and known for his charming charisma. Pero he's my best friend's boyfriend! He's a flirt to me, oo pero I respect their relationship!


"Carly said that, I'm just curious." He said and shrugged his shoulders.


"Chismoso ka pala." Pang aasar ko.


"Sayo lang."


"Ha?" Ano daw, biglang umihip kasi ng malakas yung hangin.


"Hatdog na cheesedog." Bara niya. I laughed sarcastically at him. Ha ha ha.


"Omg, so funny." I said. Trying to change the topic.


"So ano nga, gusto mo ba siya?" Pagbabalik niya sa topic, bakit ba ang kulit niya?! Bakit naman niya iisipin na gusto ko si Brendon?!


"Hindi nga! I have a very high standards!" I reasoned out.


"So, pasok ba ako sa standards mo Skye?" He asked. Sa gulat, muntik na ako matapilok sa dinadaanan ko. Bakit ba kasi siya namimigla!


Nag aalala siya na tumingin sakin at nakahanda na ang mga kamay niya na saluhin ako.


Nang maayos ko ang tayo ko, I fixed my uniform at lumakad na parang walang nangyari. So embarassing!

Lost In PagesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon