Chapter 43

15 6 52
                                        

Disclaimer: This chapter is unedited. I apologized for the wrong typos and grammar. You might encounter a lot of bad, bulgar, and foul words. Please read at your own risk.


Skye's POV


"Himala, ikaw ang dumalaw sa office ko today ah, bakit? Ano meron?" Sunod sunod na tanong ni Belle habang iniikot ikot ang sarili niya sa kaniyang swivel chair. Kinuha niya ang iced coffee sa tabi niya bago sumipsip dito. 


"Ano meron? Tell me." She said, mukhang invested sa ikukwento ko. Napatingin ako sa kaniya bago marahang huminga at sinandal ang sarili sa chair sa harap niya. Breaktime naman ngayon kaya naka visit ako rito. Hindi rin kalayuan ang office niya sa office ko kaya mabilis rin siya nakakapunta sa akin kung gugustuhin niya. 


"A-ano k-kasi.. Pinapunta mo ba si Jul- Dr. Avelino dito?" I asked, nagbabakasakali. Nagtataka siya na tumingin sa akin bago binaba ang iced coffee niya sa desk. 


"Huh? Bakit ko naman gagawin yun?" She asked. Napakamot ako ng ulo ko.


"Eh kasi, ano... Na-late ako ng punta tapos siya pumalit sa akin-"


"ANO?!" Halos mapabalikwas siya sa narinig niya. Agad ako tumayo at hinawakan ang bibig niya. 


"Ang oa!" Singhal ko sa kaniya. Maya maya pa ay binitawan ko na ang bibig niya bago bumuntong hininga. 


"Ano nga?! Pinuntahan ka?!" 


Dahan dahan ako tumango. "O-oo, E kasi naman diba, D-di ko naman alam paano niya nagawa yun... A-akala ko ikaw may pakana-"


"Grabe sa ako may pakana sis ha." She said, acting like she was hurt. I let out a small laugh bago binalik ang tingin kay Belle.


"Paano nangyari yun? Porket malapit Hospital nila rito pwede na siya bumisita? Di ba bawal yun?" I asked. 


Tinawanan ako ni Belle bago sumipsip ng iced coffee niya. "Gaga ka talaga. Mag tatatlong taon ka na resident doctor dito, di mo alam?" 


Nahihiya ako na umiling. "Why, ano ba meron?"


"Etong Hospital natin, sister hospital lang nung Hospital nila Dr. Avelino. Etong hospital na to, under lang siya ng hospital nila Dr. Avelino." She explained.


Unti unti ako napanganga sa narinig ko. Bakit di ko alam to?!


"Huh?!" 


Natatawa siya na tumango. "Oo, pinaghiwalay nila, para alam mo yun. Marketing strategy."


Marahan ko na minasahe ang sentido ko sa sakit ng ulo ko. Ibig sabihin ba non?


"Oo Skye. Anytime, pwedeng mapunta dito yung hot ex mo. Pwede na nandiyan lang sa likod mo, o baka maya maya nasa tabi mo na..." Pananakot ni Belle. 


Lost In PagesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon