Disclaimer: This chapter is unedited. I apologized for the wrong typos and grammar. You might encounter a lot of bad, bulgar, and foul words. Please read at your own risk.
Skye's POV
I examined myself in the mirror. I am wearing a short red velvet off-shoulder dress. I partnered it with sandals and a shoulder bag.
After my shift at the Hospital, diretso na agad ako sa dorm ko. By next week, aalis na ako dito. Bumili ako ng condo na malapit lang sa ospital para hindi na ako nagtitiis sa maliit na lugar na to.
Inuna ko kasi bumili ng kotse. I need a car so I can come visit Venice at Tagaytay. Hindi naman siya pinupunta ko dun e, Si Miah lang naman gusto ko makita doon.
Chariz.
Hindi ko naman ine-expect na masasakto pa sana sa oras ng tulog ko ang dinner party ni Belle. At dahil gusto niya ako makita, wala ako'ng choice kundi umattend.
Fuck. I've been awake for 34 hours. Uminom ako ng ibuprofen para medyo matanggal ang hilo ko.
"It's been ages since I last attend a party." Sambit ko sa sarili ko. Nagpa-party naman ako sa med school, minsan nga lang tuwing inaaya nila Jozette.
Pero nung pumasok ako sa residency, nahirapan na ako hanapan ng time ang pagpaparty. Kung madalas ako uminom nung college, baliktad na yun sa mga nangyayari ngayon.
"Inuman ba yun?" Naisip ko lang habang tinatakpan ng makeup ang eyebags ko. Kung mayroon man, hindi nalang ako iinom!
Well, pwede naman siguro uminom ng onti?
Okay fine, onti. I need to enjoy. Ang tagal na rin simula nung huling beses na nakapag aliw ako. Saan ka nakakita ng doctor na nagliligtas ng tao pero sarili hindi maligtas?
Tinignan ko ang phone ko kung may messages si Belle sa akin. Mukhang busy din siya sa pagpe-prepare ng dinner party niya.
Hindi ko nalang pinansin iyon at dumiretso na sa kotse. 7pm. I'm not late. Baka nga maaga pa ang dating ko.
Nakarating ako sa reception ng mas mabilis kaysa sa inaasahan ko. Maybe kasi wala'ng traffic.
Sinalubong ako ng malakas na hangin pagkababa ko ng sasakyan. My heart is thumping out loud. I don't know why.
Inipon ko ang buhok ko sa kaliwang side ng balikat ko dahil sa malakas na hangin. I looked around to find my friends. Muntik na ako matumba nang matapakan ang maliit na bato. Di nga ako natumba, natapilok naman ako.
"Ah shet." I whispered habang tinitignan ang paa ko. I discarded the pain and continued to walk. May nakita ako na gazebo. There I saw them, sitting at the large round table.
"Dra Estella!" Sigaw nila nang makita na papunta ako. I gave them a smile before looking for Belle.
BINABASA MO ANG
Lost In Pages
AcakVivienne Skye, the sovereign of beauty and grace who was revered by many, had her life shattered once more when she ran into her first love for the first time in many moons.
