Disclaimer: This chapter is unedited. I apologized for the wrong typos and grammar. You might encounter a lot of bad, bulgar, and foul words. Please read at your own risk.
Skye's POV
"Bilisan mo! Ang tagal tagal kumilos!" Nagmamadali na sambit ko habang nagkakabit ng heels. Patakbo ako'ng lumabas ng condo ko.
We are late for work! Papaano niya nagawa pa mag gel ng buhok sa salamin?!
Maya maya pa ay lumabas na siya ng room at kinuha ang car keys sa sabitan sa gilid ng pinto. "Ikaw kasi sabi mo isa pa."
"Wala ako'ng sinabi!" Inis na sambit ko bago tuloy tuloy na pumasok sa elevator. Binigyan niya ako ng maikling tawa.
"Gusto mo pa isa, binigay ko lang gusto mo."
"Wala nga ako'ng sinabi!" Inis na sambit ko, hindi siya tinitignan. Nagpakawala lang siya ng mapang asar na tawa.
"Sus."
Mabilis ako'ng sumakay ng sasakyan ko. I was about to go nang kumatok siya sa bintana. Binabaan ko siya ng bintana, getting pissed now.
"Kiss ko?"
Nagpakawala ako ng buntong hininga. A 29 year old adult man begging for a kiss?
I gave him an eye roll bago nilabas ang ulo ko sa bintana to give him a peck. Binigyan niya ako ng malaking ngiti nang maghiwalay ang labi namin.
"Di din ako natiis." He said. Hindi ko na lang siya pinansin at tinaas na ang bintana. Inikot ko ang steering wheel para umalis na ng tuluyan. Akala mo naman hindi kami magkikita sa Ospital.
"Ano? Ano meron? Ano nangyari? Kayo na? Kayo na uli? Sabihin mo sakin lahat! Deta- detalye! Makikinig ako, omg. Spill mo na!" Pangungulit ni Belle habang naglalakad ako sa hallway. Hindi ko siya pinansin hanggang sa makarating ako sa office ko.
"Wala!" I said, agad nadismaya ang mukha niya.
"Paanong wala?!"
Napakamot ako ng batok, papaano ko ba mapapaniwala ang babaeng to? "Wala, closure lang... ganon."
Closure amputa.
Magsasalita pa sana siya nang may biglang kumatok sa office ko. Agad ako nagulat nang makita si Xyronne sa labas.
Belle gave me a meaningful look. "Ayan ha, closure pala."
"Hi, Dra. I think I left my stethoscope here?" He said. Tumango lang ako at tumayo sa upuan. Belle was just standing there, staring at us.
"Sige hanapin mo muna." I said. He smiled at me. Not a usual smile.
Nakakatakot yang mga ngitian na yan.
BINABASA MO ANG
Lost In Pages
RandomVivienne Skye, the sovereign of beauty and grace who was revered by many, had her life shattered once more when she ran into her first love for the first time in many moons.
