Disclaimer: This chapter is unedited. I apologized for the wrong typos and grammar. You might encounter a lot of bad, bulgar, and foul words. Please read at your own risk.
Skye's POV
"Si Dra. Chua?" I asked the nurse at the waiting longue nang mag sign in ako sa Hospital.
"Nag leave po."
Tumango tango na lang ako. Baka she's preparing na for her wedding. Ang alam ko kasi, after residency ay magpapakasal na sila. They need to prepare.
It must be nice.
Naging boring ang araw ko. Oo, boring.
Lagi ko pinapaalis si Belle pag andiyan pero nung nawala hinahanap hanap ko, siraulo lang diba?
Mabilis ang naging hakbang ko palabas ng office when the clock strikes 12. Napabuntong hininga ako bago nilabas ang phone ko para ichat si Julian. I have no one to talk to.
"I remember being a social butterfly in my college days," I whispered to myself while looking for Julian in my contacts. Ang dami ko kaya'ng circle of friends noon!
To: Julian
Punta ako sa department niyo. Let's have lunch wala si Belle.
Delivered lang ang message ko kaya dire diretso na lang ako naglakad papunta sa department nila, hindi na siya hinintay.
Nang makarating sa Department nila ay umupo muna ako sa waiting bench sa longue. Nilibot ko ang tingin ko sa paligid, maganda ang interior ng department nila at mas modern, kumpara sa amin.
"Sus, dapat yung ospital din namin pinapaganda." Bulong ko bago tumayo papunta sa mga nurse.
"Hi, good afternoon. Uhm, andito pa ba si Dr. Avelino?" I asked while playing with my fingers.
The nurse glanced at me before turning her gaze at the papers. "Ah yes, po. Baka nasa office niya po." She said. I gave her a smile bago bumalik sa bench.
Kinuha ko ang phone ko para sana mag iwan ng message kay Xyronne, pero natigil ako nang makakita ng group of doctors na kalalabas lamang ng elevator.
My eyes widened when I saw Xyronne and Honey together with their friends. Napansin ko na wala si Hendrix kaya baka nga tumuloy sila sa preparation for their wedding.
Hindi sila ganoon kalayo sa akin at hindi rin ganoon kalapit. But I can still hear their voices.
Agad ko hinablot ang pinaka malapit na magazine na nakapa ko lang sa tabi ko at agad tinakpan ang mukha ko. I glanced at Xyronne nang may kapain siya sa bulsa ng labcoat niya.
Hablutin mo na yung cellphone, you dummy!
![](https://img.wattpad.com/cover/293855526-288-k760555.jpg)
BINABASA MO ANG
Lost In Pages
RandomVivienne Skye, the sovereign of beauty and grace who was revered by many, had her life shattered once more when she ran into her first love for the first time in many moons.