Disclaimer: This chapter is unedited. I apologized for the wrong typos and grammar. You might encounter a lot of bad, bulgar, and foul words. Please read at your own risk.
Skye's POV
I woke up with an extreme hangover. Buti nalang at wala ako'ng shift kinabukasan. Nagtimpla nalang ako ng tea para maibsan ang sakit ng tiyan at ulo ko.
Napatingin ako sa suot ko, Nakapambahay na ako. Nakatanggal na rin ang makeup ko. Tumingin ako sa side table at nakita na nakatupi doon ng maayos ang damit ko kagabi.
Wala ako'ng maalala kagabi, ano ba nangyari?
Tumingin ako sa messages ko at nagulat nang tinadtad ako ng chats ni Belle.
"Nakailang tawag ba siya sa'kin." Bulong ko sa sarili ko habang tinitignan ang mga missed calls niya.
From: Belle
Hoy gago nakauwi ka na
From: Belle
HAHHAHA AYAN INOM PA
From: Belle
Beh di k bs kinsidnap nj ex?
Huh?
Anong ex?!
"TANGINAAAAAA." Malakas na sigaw ko bago lagukin ang bote ng Jack Daniels. Agad inagaw ito ni Marcus mula sa kamay ko.
"Let's go home. You're wasted as fuck." He said bago hawakan ang wrist ko para tumayo.
Wala sa huwisyo ako'ng umiyak ng malakas habang hawak hawak ang bote ng Jack Daniels. "Bakit ganiyan na kayo! Bakit ang sakit niyo na!"
Kita ko ang pagkamot ni Marcus sa kaniyang ulo bago hilahin uli ang kamay ko.
"I'll take you home."
Nagpatayo na lang ako with my half opened eyes. I can't even think straight. Parang umiikot ang paningin ko kung kahit saan ako tumingin.
"Iuuwi mo ako! Ayaw ko na dito! N-nasasaktan na ako dito..." I cover my face nang maramdaman ang pagtulo ng luha ko.
Huminga siya ng malalim bago ako hilahin palabas. "Una na kami." Sambit ni Marcus kay Belle. Rinig ko ang pagsang ayon ni Belle. "Oo, mukhang di na makakauwi mag isa yan."
Natigil kami sa pag lakad nang may humila sa kabilang side ng braso ko. Agad ko tinanggal ang pagkakahawak niya sa akin bago mapait na tumawa.
"Oh look who's here! The one who broke my heart!" I said bago tinuro turo sa dibdib si Xyronne. He gave me a meaningful look bago bawiin ang kamay ko.

BINABASA MO ANG
Lost In Pages
De TodoVivienne Skye, the sovereign of beauty and grace who was revered by many, had her life shattered once more when she ran into her first love for the first time in many moons.