Chapter 58

11 4 45
                                        

Disclaimer: This chapter is unedited. I apologized for the wrong typos and grammar. You might encounter a lot of bad, bulgar, and foul words. Please read at your own risk.


Skye's POV


"Aw napagod ang bebe." Sambit ni Venice nang ibalik namin sa kaniya si Miah. 7pm na kami nakauwi. Agad binuhat ni Venice ang anak na tahimik natutulog sa balikat niya. 


"Thank you nga pala uli ha. Pasensya na sa abala." Paghingi ng sorry ni Venice. Agad naman umiling si Xyronne while playing the car keys with his hand. 


"No worries. Ah eto nga pala yung toys niya." Xyronne handed the paper bags to her. 


"Uh, we need to go. May pasok pa si Xyronne bukas e." I said. Tumango naman sa akin si Venice bago nilipat ang tingin kay Xyronne. 


"Salamat Xy. Ingat  kayo." She said before walking slowly to their bedroom. Agad ako napatingin kay Xyronne.


"Pagod? Gusto mo ako na mag-drive pauwi?" I volunteered. Agad napatingin sa akin si Xyronne. 


"It's okay. Hindi naman kailangan na lalaki lagi nagdadrive." I said. Mukhang pagod na rin si Xyronne kaya tumango na lang siya sa akin bago binigay sa akin ang car keys niya. 


"Thank you love." He said habang naglalakad kami papunta sa kotse niya. Ningitian ko lang siya bago buksan ang pinto sa driver's seat at nagkabit ng seatbelt. 


"Anything for you, Julian." I heard him scoffed a little, making me giggle. 


"That's my line. Mang aagaw." Sambit niya. I leaned forward to him to kiss his left cheek. 


"Tara na uwi na tayo." Bulong ko. Binigyan niya lang ako ng tipid na ngiti before giving me a smack. 


"You're my boyfriend for today. Matutulog muna ako buong biyahe." He said making me laugh. 


I shifted back to my seat before starting the engine. "Okay, baby girl,"  I said, making him laugh. 


Sa totoo lang, hindi naman nakakapagod kasama si Miah. Well, maybe oo nga. Lalo na at di naman namin kasama mamili sila Venice. 


"Miah I told you wag na playdoh! Ilang beses ko ba sasabihin sayo? Your playdoh is being a mess at the carpet!" Panenermon ni Venice over the phone call. 


Kita ko ang pagkinang ng mata ni Miah sa ilaw, ibig sabihin malapit na siya umiyak at parang ilang minuto na lang sa ngayon ay iiyak na siya. 


"B-but mommy... I want this." Miah insisted. Rinig ko ang malalim na paghinga ni Venice sa kabilang linya. Agad kami natigil nang may lumapit samin na saleslady. May hawak siya na toy box. 


"Ah ma'am. E-eto po, di dumidikit sa carpet. Kinetic sand po." Agad nabaling ang attention ni Miah sa hawak ng babae. 

Lost In PagesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon